A letter from March 8th, 2023

Time Travelled — almost 3 years

Peaceful right?

Content warning: fatphobia *** Dear FutureMe, Happy International Women's Day, my love! Sobrang proud ako sa'yo for still existing, still fighting for women's rights, and still choosing to live your life the way you want to. (⁠人⁠ ⁠•͈⁠ᴗ⁠•͈⁠) Kamusta ka, Shane? I hope your morning's a lot better than mine. A lot of people -- elderly women in particular -- still seem to think na it is their moral obligation to give unsolicited comments about somebody's weight loss or weight gain, and about bodies in general. Wala ata silang concept ng "weight issues," "body dysmorphia," "boundaries," and other things na nati-trigger nila 'pag ginamit na nila ang paborito nilang linya 'pag nangungumusta -- 'yung tungkol sa kung gaano na nagbago ang timbang ng isang tao. Baby, I really love how you embrace ALL of us -- despite everything na sinasabi at patuloy na gustong ipatanda ng lipunan sa'yo. Isang kontraagos ang patuloy mong pagmamahal sa timbang, kulay, buhok, itsura, pananamit, pananaw, pag-iisip, paniniwala, katawan, puso, at kaluluwa natin. Love, sobrang proud ako sa'yo kasi araw-araw, tinutulak ka ng buong mundo na kamuhian at ikahiya ang lahat ng tingin nila'y hindi "normal" sa'tin pero ano'ng pinipili mong gawin? Tinatanggap, pinagmamalaki, at pinagdiriwang mo pa'ng lahat ng mga ito palagi! :) Salamat sa pagyakap sa'tin nang buong-buo. Salamat dahil may tapang kang ipakilala sa buong mundo kung sino talaga tayo. Salamat dahil hinahayaan mong mabuhay tayo nang malaya, walang hiya, at mapagpalaya. Sa Unibersong ito, masaya akong ikaw ang naging templo at katawang-lupa ko, Shane. :) My hope is that nawa'y napalilibutan na tayo ngayon ng komunidad natin: 'yung mga supporter at cheerleader na kagaya natin; 'yung pinagpapasalamat kung gaano sila kaswerte na parte tayo ng buhay nila; 'yung totoong tanggap ang buong tayo -- fats, pimples, vices, opinions, and shadow self included -- kasi 'yun ang deserve natin! Sana patuloy mo pa ring minamahal at inaalagaan ang sarili natin. Sana lagi ka pa ring sabik na makilala ang mga lumilitaw na bagong bersiyon natin kada araw. Sana ikaw pa rin ang sentro ng Sansinukob natin. (⁠.⁠ ⁠❛⁠ ⁠ᴗ⁠ ⁠❛⁠.⁠) I can't wait to meet you soon, my Future Self! Laging tandaan: Babae ka, hindi babae lang. Mahal na mahal na mahal na mahal kita, Shane. Humahanga sa'yo palagi, Shane | Ur bebegurl (⁠。⁠•̀⁠ᴗ⁠-⁠)⁠✧

Load more comments

Sign in to FutureMe

or use your email address

Don't know your password? Sign in with an email link instead.

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Create an account

or use your email address

You will receive a confirmation email

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Share this FutureMe letter

Copy the link to your clipboard:

Or share directly via social media:

Why is this inappropriate?