A letter from Nov 10, 2022

Time Travelled — almost 3 years

Peaceful right?

Dear Karl, Sa oras na to, malamang nanjan ka na sa gusto mong paroonan. Naipatayo mo na yung second floor ni mommy, nabili mo na yung gusto niyang tv at aircon. Hawak mo na yung susi ng sarili mong bahay at sasakyan, naitayo mo na yung negosyong magiging masaya kang puntahan at asikasuhin habang buhay. Pwede ka ng mag-asawa kung gugustuhin mo, kung handa ka ng magmahal ulit, at kung andiyan na yung magpapatibok ng puso mo. Wag mo sanang makalimutan na ilang taon ang nakaraan, naubos yung pera mo dahil sa pagsugal sa isang bagay na suntok lamang sa buwan, wala kang tamang chansa, wala kang tamang pagkakataon para kilusan. Wag ka na sanang umulit pa at babalik sa kung anong kalagayan mo habang sinusulat to. Wag mo din kakalimutan na tumulong, sa mga dumadaan sa hirap, sa mga nagpapakahirap at nagsusumikap abutin yung kanilang pangarap. Nung nahihirapan ka, umiiyak ka mag-isa, iisa lang ang tinatawag mo walang iba kundi ang diyos. Wag mo sanang kalimutang gumawa ng mga bagay na para sa kanya. Itong oras na to, kakatapos lang umiyak ng dating ikaw, dahil pagod ka na, di mo na alam san pupunta, ayaw mong makita ng nanay mo na nahihirapan ka at kung sakali man na matanggap mo to at di ka pa tagumpay? makukuha mo ulit tong sulat na to sa susunod na pagkakataon. Wag ka makalimot Magpakabuti Mag-share ng blessing Tumulong sa kapwa at mahalin ang sarili Always pray. Love, 2022 Struggling Karl

Load more comments

Sign in to FutureMe

or use your email address

Don't know your password? Sign in with an email link instead.

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Create an account

or use your email address

You will receive a confirmation email

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Share this FutureMe letter

Copy the link to your clipboard:

Or share directly via social media:

Why is this inappropriate?