Press ← and → on your keyboard to move between
letters
Dear FutureMe,
Hi Phoemela! uum so hindi ko alam ba't ako napunta dito, siguro gusto lang kitang sulatan? basta, ganto kasi yun, ikukwento ko sayo lahat-lahat pero hindi yung lahat-lahat talaga haha. Una ko muna yung simula ng quarantine, mga 2020 nagsimula ang pandemic, bawal lumabas, bawal makisalamuha sa maraming tao, malayo dapat sa isa't isa pag nag-uusap, dapat may facemask pag lalabas. Nung magsimula ang quarantine, hindi na'ko lumalabas ng bahay pero kung uutusan lang ako tsaka lang ako lumalabas. Nang dahil sa ginagawa kong ganon na minsan lang lumabas ay nagkaroon ako ng anxiety, hindi ako makatingin sa mata ng mga tao pag kinakausap nila ako at nanginginig yung legs ko kapag marami akong kasamang tao na hindi ko kilala. Ang ginagawa ko lang sa loob ng bahay ay mag wattpad, umaga hanggang alas onse or dose ng gabi, at alam mo ba ang nangyari? dumami pimples ko, namutla ako at bumaba ang grades ko kasi mas inuna ko ang pag wawattpad kesa sumagot ng mga modules ko, alam mo ba ang naramdaman ko? masakit, yung grades mo dati ay matataas pero ngayon bumaba na, at alam mo ba ang ginawa ko? gumamit ako ng brainly app at humingi ako ng sagot kila deianira at akeisha, kahit na wala akong malaman tungkol sa subject basta may maisagot lang at para lang may mapasa at tumaas grades ko at para narin marami akong oras at araw sa wattpad. Akala ko sasaya ako dahil sa ginawa ko kasi tumaas yung grades ko pero hindi, nalungkot ako ng sobra kasi i realized na mali pala yung ginagawa ko. Nang dahil sa ganon na ginawa ko, nawala yung isang kaibigan ko, si akeisha... hindi ko naman sya masisi kasi mag chachat lang naman ako sa gc or sa kanya pag kailangan ko ng sagot sa module, nawala ako sa socmed ng ilang linggo dahil bakasyon na ata yun or tapos na grade 7 namin at mag g-grade 8 na, dinilete ko messenger ko at fb ko. Bumalik lang akong nung may online class ulit, tinignan ko gc namin sa messenger para sana mabasa kung ano ang pinag-uusapan nila nung wala ako, at ayun na nga... may sinabi si akeisha na "pag may kailangan lang naman sila kaya sila mag chachat" at "gawa nalang tayong bagong gc, yung tayo nalang". Alam ko namang para sakin yun pero masakit parin, dahil nga tanga ako, nagalit ako at nireplyan ko yung gagawa sila ng bagong gc, sabi ko "parang nawala lang yung tao ng ilang linggo sa socmed gagawa na kayo ng bagong gc" at ayun na nga nag-usap kami about dun at duon nadin nawala pagkakaibigan namin. Si deianira naman, bali kaibigan ko padin sya kahit na nasira na yung pagkakaibigan namin ni akeisha, nag-uusap kami minsan, hanggang sa dumating sa point na hindi na kami nag-uusap hanggang kailan. Nakikita ko silang dalawa (aki at deian) sa mga stories duon sa fb, mag kaibigan parin sila at may pumalit narin sakin at hindi ko narin naging kaibigan si ate deianira. Bali ako nalang sumasagot ng mga modules ko at tinigil ko narin mag wattpad at minsan nalang akong gumamit ng brainly pag hindi ko talaga naalala or alam yung sagot. At dahil sa mga nangyaring yun lahat-lahat, duon ko lang narealiazed na kaya ko palang maging mag-isa, na kaya ko din sagutan mag-isa ang modules ng hindi nanghihingi ng sagot sa kanila. At ang pangalawa naman ay tungkol sa kanya (massi), bali mga march 2021 ko sya nakilala, dumating ang april at nag confess ako sa kanya at sabi nya ay gusto nya din ako, nag-uusap kami paminsan-minsan kung mag f-first move ako, nagpapapansin ako sa kanya thru stories sa ig dahil duon ko sya nakilala, at nagsusulat ako sa notes pag namimiss ko sya or naiisip ko sya, hanggang sa dumaan ang ilang buwan na ganon ang nangyayari at dumating sa point na napaisip ako na bumitaw nalang kaya ako, kase alam mo yun, gusto karin daw nya pero ba't ganon? parang wala lang at wala ding nangyayari, alam ko namang kailangan kong maghintay ng matagal pero napagod talaga ako at nalaman ko din na hindi nga sincere sa mga sinabi nya sakin na i love you at hindi nya din pala nya ako gusto . Para makalimutan ko sya, i unfollow him on ig and i deactivated my ig acc at gumawa ako ng bagong account, pero tinitignan ko padin acc nya dahil alam ko parin username nya eh, at sumusulat parin ako about sa kanya,
kaya ayun waepek parin. Dinilete ko yung ig acc ko at tinigil ko din pagsusulat about sa kanya at binura ko na din yung username nya sa search history ko sa twt, at dahil sa ginawa ko, naka move on ako. Nakilala ko sya nuong march 2021 at kinalimutan ko sya ngayong april 2022.
Alam kong itong sulat na 'to ay dapat tungkol sa kinakaharap mo pero nag kukwento ako hahaha. Ito na nga, sana ngayong birthday mo ay masaya ka at may mas madami ka nading nalalaman at tupadin mo sana yung pangarap natin na maging architect dahil pangarap talaga natin na tayo yung mag design/style ng bahay nila, at KUNG may boyfriend kana ngayon na matino, matalino, mabango, matangkad, gwapo, green flag, mabait at mapagmahal, sabihin mo sa kanya na wag kana sana nyang iwan pa hehe, at tsaka sana matino kang anak ngayon kila mama at papa dahil medyo hindi ako matino ngayon eh.
ela-
JE T'AIME MOU-MÊME.
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies, read how
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?