Press ← and → on your keyboard to move between
letters
Dear FutureSelf,
Kung nababasa mo 'to ngayon, edi Happy Birthday. 25 ka na! ππ Sana kung ano at kung nasaan ka man ngayon, masaya ka. Baka hindi mo na din tanda, 20 years old ka sinulat mo 'to, bale April 17, 2022 nga pala ngayon. Grand campaign rally ng markang Tanauan sa basketball court HAHAHA
Wag na wag mong kakalimutang ngumiti ha, kahit anong mangyari, dapat lagi yang nandyan. Wag kang manlalamang ng iba although kahit pakiram*** mo lamang na lamang na sila HAHAHA madaya na talaga ang mundo, wag ka nang dumagdag pa. Oo nga pala, piliin mo lagi yung nakakapagpasaya sayo.
Kamusta? Sana may kaunting character development ka man lang sana. Ang daming oppurtunities na nawala sayo dahil lang sa mahiyain ka at sana naman kahit papaano, kaya mo na. Alam ko naman nang kaya mo na. Alam ko ding marami ka nang pinagdaanan at alam kong kinaya at kakayanin mo. Laban lang! Puro pangarap ka diba, tuparin mo. I mean, tuparin mo but no pressure. Step by step.
Diba pangarap mong mag-doktor? Kaso di na natupad kasi nga mahirap ang buhay, pero sana kung sino at kung ano ka man ngayon, sana masaya ka. Bawi na lang siguro tayo next life HAHAHA π
Pero ayun, sana masaya ka pa din ha. Alam ko namang masaya ka ngayon π
Sana masaya ka ngayon habang binabasa 'to kasi ako ngayon habang sinusulat ko 'to, magkahalong saya at ewan ko, lungkot at takot siguro. Ang dami ko kasing tinatago eh. Ang dami kong kinikimkim eh. Pero mas lamang pa din ang saya 'no. Ewan ko ba HAHAHAH π
Ang dami ko ng nasabi, ayaw kitang paiyakin kasi birthday mo. Ayun lang, just enjoy your day and always do the things that always make you happy ππ Tuloy lang. Ang purpose lang naman ng letter na 'to ay para kamustahin ka HAHAHA tsaka para ipaalala sayo ka kamahal mahal ka. Wait saan nanggagaling 'to? Kakabasa ko siguro ng mga au (land meets sky, agape in eros, sagada and 99+ others) HAHAHAH π Happy 25 birthday ule ππ
Ikamusta ko ako kay Inay, Tatay, Alyssa, Iray, Lolo at Lola ha π
Love,
20 yrs old Bryan π
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies, read how
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?