A letter from Mar 17th, 2022

Time Travelled — about 4 years

Peaceful right?

Dear FutureMe, Its March 18,2022. 12:44 midnight. Wala akong plano. Wala akong maisip na plano. Nasan na kaya after 3 years? Dami kong gusto, dami kong kailangan. Pero kahit isa hindi ko maiprovide. Kahit sa sarili ko lang. 3 months na kong puyat, mula mag resign ako sa trabaho. Ang akala ko kase magiging stable ako sa lilipatan ko. 🥺 Bigat sa dibdib, araw araw akong palamunin at walang dulot. Naging panganay na walang pangarap pa ang dating. Gusto ko nang matulog, pero kahit pilitin kong pumikit hindi ako inaantok. Tama nga siguro ang mommy, wala akong diskarte sa buhay. Hindi ko kayang tumayo sa sarili kong mga paa. Wala akong kayang simulan. Pagod na rin akong sisihin ang sarili ko, kasalanan ba ang mag pahinga? Hindi ko makita ang sarili sa mga susunod pang taon. 🥺 Ganto siguro talaga kapag laging kinukumpara sa iba. Kasalanan kong hindi ko ginagawang inspirasyon yung mga masasakit na salita. Hindi naman ako nanumbat, pero bakit laging ang sisibay sakin? Wala akong makausap. Gusto kong umalis, pero di ko kayang gawin. Paano ako tatakas sa sitwasyong alam kong babalikan ko pa rin kahit anong gawin ko? :( Hindi ko kayang umalis sa mesang paminsan ay hindi na inihahain ang respeto. 😮‍💨 Sobrang dami kong what ifs . Sana after 3 years wala na ko sa sitwasyong to. Sana kaya ko na. 🥺

Load more comments

Sign in to FutureMe

or use your email address

Don't know your password? Sign in with an email link instead.

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Create an account

or use your email address

You will receive a confirmation email

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Share this FutureMe letter

Copy the link to your clipboard:

Or share directly via social media:

Why is this inappropriate?