A letter from Oct 24th, 2021

Time Travelling — over 4 years

Peaceful right?

Dear FutureMe, Hello future self! Buhay ka pa ba? HAHAHAHAHA. Maligayang Kaarawan para sa magandang dilag na gaya mo! HAHAHAHAHAHA, nawa'y matupad mo na ang pinapangarap mo. Ayos lang mahirapan kasi part naman ng process yan, basta worth it at nag-eenjoy ka. Sana rin nararanasan mo na yung kapayapaan ng utak mo ngayon, kasi alam kong marami ka ng napagdaanan. Deserve mong sumaya at sana nahanap mo na yon ngayon. Sige nga, kung ikaw ay masaya, tumawa ka ha! ha! char korni HAHAHAHAHA. Habang sinusulat ko to, maraming pumapasok sa isipan ko dahil alam kong maraming mangyayari sa loob ng limang taon. Kaya sana habang binabasa mo to ay nakangiti ka na habang inaaalala yung nakaraan. Pero ayos lang din namang umiyak, buhay mo naman yan, sadyang pala desisyon lang talaga ko HAHAHAHAHA. Mula noong bata ka pa at laging layas kaya napapatulog sa labas. Noong nagkaroon ka na ng muang at pumasok sa eskwelahan hatid-sundo ng magulang, kahit mga five pesos lang ang baon ay tuwang tuwa na kayo. Hanggang sa nagkaroon ka ng mga kaibigan na laging kasa-kasama mo. Masaya akong nakaabot ka pa sa ganyang edad at paniguradong marami ka ng natutunan sa buhay ngayon. Hangad ko ang kaligayahan mo, Future Me. Alam kong nakakapagod ng umiyak at maging malungkot sa di malamang dahilan, pero ang mahalaga nagagawa mo pa ring magpasaya ng iba. Naniniwala rin kasi ako na kung gusto mong maging masaya, edi wag kang malungkot, basic! HAHAHAHAHA Basta pahalagahan mo ang mga taong nasa paligid mo, at shempre ingatan mo pa rin ang sarili mo. Hindi pa man maayos o stable ang pag-iisip nitong 15 years old na babaeng 'to, mababa pa man ang tingin niya sa sarili niya, at umiiyak man siya lagi tuwing gabi dahil sa mga problema, alam kong may pagbabago na ang future self niya ngayon, kaya medyo masaya na ako. Kaya smile din girl! Always cheer yourself up, because no one would always do that for you, only you! Basta lagi mong tatandaan, na ang buhay ay weather weather lang! De jok lang HAHAHAHAHAHAHAHA palagi mong tatandaan na mahalaga ka. Hindi mo kailangang laging magdepende sa iba kung nahihirapan ka na, ngayon ka pa ba susuko kung nalagpasan mo na ang ibang problema? God bless u! Mamuhay ka ng payapa, humayo ka at magparami! BWAHAHAHAHAHAHAHA. PS: Day mo 'to kapag nakarating pa to sayo ha? aba sayang tong pagtatype ko, mahiya ka naman. Charot, Happy birthday, Mary! labyow!<33. Nagmamahal kahit hindi kinrasbak, Meann in the hauz!

Load more comments

Sign in to FutureMe

or use your email address

Don't know your password? Sign in with an email link instead.

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Create an account

or use your email address

You will receive a confirmation email

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Share this FutureMe letter

Copy the link to your clipboard:

Or share directly via social media:

Why is this inappropriate?