Press ← and → on your keyboard to move between
letters
Dear FutureMe,
Hoy sarili, future self mo ito HAHAHAHA oo nagmessage ako sayo kasi nakigaya ka lang sa nakita mo sa tiktok October 17,2021.
Sana sa 5 taong nakalipas eh iba ka na, hindi ka na katulad ng dating ako. Yung tipong laging nagpupuyat, isa o dalawang beses lang kung kumain, laging selpon kaya lumabo ang kanang mata, tamad bihira lang kumilos, laging galit at maingay na walang respeto sa magulang at marami pang iba. Nasa future ka na, kaya ibahin mo na pag-uugali mo at kilos mo.
Sa pag-aaral naman ano na? Nong grade 10 ang taas ng grades mo tapos nong g-11 at ngayong g-12 parang wala lang ah? Ibalik mo yung pagiging masipag mo sa pag-aaral para naman may maipagmalaki ka sa magulang mo. Magsikap ka sundin mo lahat ng bilin ng ama't ina mo kasi para rin naman sayo yun eh. Huwag mo silang bibiguin. Kayanin kasi yung nagpapa-alala sayo never sumuko at pinipilit parin na papag-aralin kayong magkakapatid. Matanda na ama sana may maibalik ka man lang na kabutihan sa kanya pati sa ina mo lubusin mo na ang pagmamahal sa kanila bago pa mahuli ang lahat.
Yung pangarap mong maging sundalo since elem mo yang pangarap na yan sana naman eh natupad mo ngayon. Sana nga. Huwag din kakalimutan ang diyos sa lahat ng nagawa nya sa iyo sa pamilya mo. Laging isentro ang panginoon sa pang-araw-araw na buhay isa rin sa pangaral ng ama mo.
Yung mga kapatid mo tulungan mo huwag kang selfish, magtulungan sabi nga ng magulang mo sayo. Kung yung isa ay naghihirap tulungang maka-angat sa buhay. Huwag mag-aaway kasi kayo-kayo lang din naman ang magdadamayan eh iwasan ang salitang magmahalan dapat, ganon ang magkakapatid.
Alam ko ngayon hirap ka pa, hindi mo din maintindihan ang sarili mo. Minsan masaya tapos lungkot din. Hindi mo mawari kung saan ka lalagay. Baguhin mo ang behavior mo ngayon self nako, mahirap na.
Dreams,Goals and Career first before Love.
Ang love nandyan lang yan hindi yan mawawala. May darating para sayo, hintay ka lang at huwag kang mawalan ng pag-asa ha? Natiis mo nga since birth maging single yung paghihintay pa kaya sa future husband mo? Tiis lang huwag unahin ang kirindot baka ika'y mapatay ng iyong ama HAHAHAHAH ayun sana buo parin pamilya mo self at nasa maayos na kalagayan. Walang sakit na nararamdaman ang bawat isa at puro good vibes lang.
So ayun gusto kong maiyak pero pinipigilan ko kasi baka bukas ay mamaya palang 8 ng umaga eh mapagkamalan kang nakagat ng ipis HAHHAHA 4:16 palang eh yari ka na naman pupuyat ka na naman. Atsaka singit ko lang sa message na ito yung kabuddy ng papa mo na si Kuya Bibo sana magtagal din ang buhay at stay strong sila ng papa bilang magkaibigan at maging maayos ang samahan sa farm.
God bless you all and I love you self. Yung parents mo mahalin mo ha, huwag mong kakalimutan huwag ka ding mahiya ipadama mo ang pagmamahal mo sa kanila.
Oo nga pala yung sa rpw nako di ko alam kung kaya mo bang iwasan o hindi kasi naman tagal mo na din napamahal Kana may naiwan ka pa doong gbf's galing mo talagang mag-crp kailan ka aamin ha? Ikaw ha dami mo na nang nabibiktima sana eh tumagal din lahat ng rp acc mo damay mo na ang RA acc mo.
Goodluck self kita kits in 5 years.
-Your Self
October 18th, 2021
At the time of 4:22 am (tulog na oh)
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies, read how
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?