Press ← and → on your keyboard to move between
letters
Hi eto si Charles sa past gusto ko lang sabihin sayo na kung ano nararamdaman mo ngayon huwag kang sumuko ipagpatuloy mo lang ginagawa mo ahh. Break na kayo ng tunay mong mahal siguro hindi talaga kayo sa isat isa pero na sayo yan kung patuloy mo paren siyang mamahalin hanggang ngayon, basta alam mo na mahal mo siya pre hindi niya kaylangan mahalin ka ulit. Masaya na yun pre at dapat maging masaya kana ren para sakanya. Kung sino ka ngayon proud na proud ako sayo ipagpatuloy mo lang ang buhay mo at wag na wag mo kalimutan na maging masaya. Yung mga kaibigan mo lagi nandyaan para sayo wag na wag mo silang kakalimutan ahh kahit may bago kanang mga kaibigan tandaan mo na sila paren yung solid at nauna at gumabay para sayo. Pamilya mo pre lagi mong aalagaan sila talaga yung lagi nandyaan para sayo kahit na palagi mo sila binabaliwala tandaan mo lagi kang suportado ng mga yan alagaan mo at mahalin mo ahh lalo na magulang mo mawawala ren sila sa mundong ito kaya hanggat nandyaan pa sila pakita mo na the best sila. Ay pre kung mahal mo parin si "T" ewan ko nalang grabe ka at minahal mo talaga siya hanggang ngayon. Pero di ko naman masisi ka kung oo man o hindi kase pre nasasaktan paren ako ngayon ehh pero ewan ko sayo kung oo man o hindi basta support ako sayo. kung hindi man proud ako sayo kase nakawala kana sa madilim na kulungan mo pero kung oo di naman kita masisi minahal mo talaga siya support paren ako sayo pre basta masaya ka at okay ka ngayon, kaya ko ren nasasabi to kasi dipa talaga ako move on ehh pero siguro ngayon, ikaw okay kana noh basta wag mong pababayaan sarili mo ahhh at wag mong kakalimutan kung sino ka man dati kase bata kapa nyun pero ngayon fully grown kana.
Lagi mong tatandaan na MAHAL NA MAHAL KITA
FROM your future self na sabog man pero matinong tao
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies, read how
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?