Press ← and → on your keyboard to move between
letters
Hey its me. Its 9:30 in the morning, and yeah everyone is busy. Its now october 10. Naglalaba si mama at nagmomodule ang kapatid ko, si papa nasa munti nagtratrbaho, nagpadala din pala sya kanina ng 500, kasi nakaraan nagpadala sya ng 5500, nagpagawa kasi kami ng bahay. Kung nababasa mo man to ngayon, andito ako ngayon sa lamesa nakain ng breakfast (sinabawang gulay at kanin) pede bang bacon naman or waffle? Hindi kasi ako nakakain nun, natatandaan ko huling kain ko ng waffle nung junior high pa ako. So ayon balik tayo sa present, nakakainis dahil hindi naging maganda ang bungad ng araw ko. Sabi ni mama hindi naman daw ako ang naglalaba, bat ang daming hindi gamit na damit ang nasa labahan. Hindi naman ako naglagay nun tas nanenermon pa. Anyways bukas start na ng school mo, october 11, 2021 and 2nd year college kana, sana maging maganda ang araw mo bukas, alam ko nangako ka sa sarili mo na gagalingan mo na, mag fofocus ka sa study mo at tataasan ang grades mo, alam kong uhmm pakiram*** mo ang daming hadlang. Pero galingan mo pa din ha, sana ngayon nasa ibang bansa kana, or nagplaplanong pumunta dun, wag mo ako alalahanin, depress lang ako ngayon pero kaya ko naman yan hahaha, ayoko sa pamilya ko alam mo naman yon diba, gusto ko minsan pumunta sa playground or tahimik na lugar, mapag-isa at mag foodtrip. Nasaan ka na ba kasi ngayon? wag mo kalimutang sumulat pag nabasa mona to, masaya kaba ngayon? Kamusta kana? Ano ulam mo? Sana naman nagagawa mo yong mga bagay na gusto mo, kasi etong past self mo hahaha sakal na sakal na feel ko para akong ibong walang layang lumipad, ni hindi ako makapag desisyon para sa sarili ko, ni hindi ako makalabas ng bahay, lalabas lang pag sasamahan si mama or kung papasok sa school. And wala namang school ngayon so tambay lang ako sa bahay kasi may covid. Netong mga nakaraan araw hindi ko maintindihan ang sarili ko, feeling ko ang toxic ng mga nakapaligid sakin, may regla ako pero totoo tong mga nararamdaman ko. Matagal ko na tong gustong sabihin eh wala lang akong malabasan ng sama ng loob. Nga pala may libro kana ba? Magaling kana ba mag english? May laptop kanaba? Madami ka na din bang pera? Sana naman marunong ka na ding magbake, or sana naman may laya ka na ngayon. Sana future self masaya ka ngayon, sana wala ng hadlang sayo, alam kong nababasa moto ngayon, sana naman hindi kita naistorbo. Kamusta pala sila venus at reca? Kaibigan mo pa din ba sila? Ays sorry ha, hindi to happy message from the past mo, depress message kamo! Hahaha. Pero wag ka mag alala babawi ako, bibigayan kita ng hope and strong message.
....... hii hihihi. Hindi ko natuloy yung message ko noh? Hahahaha, ang date ngayon ay october 12 na hihihihi sorry, tinamad kasi ako tsaka nanood ng mga vlogs. Alam mooo baaa hindi sa naiingit ako pero yung kaklase ni mishi, nakapasok na as a call center agent, at nag aaral din yon sabi ni mishi magaling daw sa english yon kagaya nya. Kilala ko si mishi napaka galing nun sa english. Sorry ha kasi etong past self mo eh hindi pa ganun kagaling mag english, pero alam mo kakayanin mo naman yan, kelangan lang ng unting aral ha. Magtiwala kalang, milyonarya ka na sa mga susunod taon hihihi, ano ba niluto ni mama ngayong ulam? Si junjun nicky? Tapos na ba ng pag aaral? Mabait naba si junjun? Si nicky may gf naba? Ayiieee! hahahahah ang tatanda na ata ng mga kapatid mo ngayon noh. Future self lagi molang isipin na may tiwala ako sayo! Kaya humayo kana! Gawin mo na kung ano man ang nasa isip mo ngayon! Ipursue mo ang iba mo pang goal! Sign na to! Sign na ito! Kakampi mo ako wag kang matakot, lagi molang isipin na ako to si past self mo, gagabayan at susuportahan ka. Malakas ka, matapang at hihihi mahina pa ako, duwag pa hihihi. Sa ngayon lang ah. Gusto ko din iboost confidence ko eh. Iloveyou future self, october na. Malapit na bday ko. Malamig ang simoy ng hangin, ang sarap pa matulog sa kagabi, pag nabasa mo na to, mag celebrate ka kasama ang pamilya mo ha. Wag ka mag alala sisiguraduhin kong magtatapos ka ng college. Ikaw na bahala sa future at ako ang bahala sa present time. Hanggat makakaya ko, papalakasin ko ang sarili ko, sorry din kung may pagkatamad ako ha. Patawadin mo na din kung sino sino man ang mga nagkasala sayo. Wag kang magtanim ng sama ng loob ang isipin mo, ikaw si pam na may napakahabang pasensya hahaha. Byebyeee.
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies, read how
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?