A letter from Oct 7th, 2021

Time Travelled — over 4 years

Peaceful right?

Dear Ali, I wonder if this will still be your name na ipapangalan mo sa sarili mo. Hahahahaha ngayon kasi yan inaano mo sa iba eh. I just hope na "Ali" won't give you too much sadness and trauma just like "Cia". OCD mo, kamusta? Worse pa rin ba? How about your anxiety? Your tourette tics? Your mental health? Nagpatingin ka na ba sa doctor? If not please do so. Kasi I can't do it now...I want to but I can't kasi you don't have enough support. Ali, I hope the futureself is a lot stronger and okay. And stable. Hindi na umiiyak gabi gabi. Masaya na. Di na nagooverthink ng sobra-sobra. I hope the future Ali has achieved kahit isang dream lang. Small or big, ayos na sakin. I just want to say sorry for letting you (myself) have a real hard time. Sabi ko self love na diba? Ba't inuuna mo parin ang iba? Hahahahaha I just hope you can find peace, love, and support na you deserve. Ngayon. Nahanap mo na ba? Sana oo. Kasi kung hindi I'd be so disappointed in myself. Satin. Kasi ano bang ginagawa natin sa buhay natin? Why can't life favor us kahit isang beses lang? I just hope mentally stable ka na. Kahit unti lang. I just hope you're really happy. I just hope you have everything you deserve. Naiiyak ako pota HAHAHAHAHAHAHAHA Ali. Today is your birthday ❤️ masaya ka ba? Sana masaya ka na sa birthday mo ngayon. Kasi for 21 years of our life walang birthday na di ka sumaya eh. Walang birthday na hindi ka umiyak. Walang birthday na di ka nasaktan and it pains me so much kasi bakit di ko man lang maprotektahan ang sarili ko sa araw na dapat masaya ako? Don't forget to thank God sa lahat ng blessings mo sa life, Ali. Small or Big they are still blessing. Lagi mong tandaan yan. I hope you're much stronger than me now, Ali. Di ka na din sana tamad. I hope you won't get tired kasi for 21 years kinaya mo diba? Na magisang humaharap sa problema mo. Na umiyak gabi gabi tapos bukas bagong ulit kahit sobrang hirap. Hahahahaha kakayanin ko 'to ngayon, Ali para maganda ka. Sorry if masasaktan ko muna sarili ko ha? I'm still learning in a hard way pero kakayanin ko...as much as possible, kakayanin kong di ka saktan araw araw. Or every week. Please do know na mahal na mahal kita. Mahal ko ang sarili ko. For now, Ali. Alam kong tangang tanga pa ako sa buhay at alan kong hahayaan ko ang sarili kong tapakan ng ibang tao at maliitin at gamitin ng paulit ulit pero ipapangako ko sayo. Once na kaya ko na. Once na ayos na ang lahat. Ikaw na ang uunahin ko. Successful ka na sana, Ali hahahahaha para may maipamukha ka sa mga taong nangdodown sayo. ☺️ Hayaan mo sila, at patuloy lang tayo. Kamusta kayo ni JD? Mahal na mahal ko yan. Sobra pa sa sobra. Family mo kamusta? Mga kapatid mo? Sana stable na buhay niyo kasi ayaw ko ng nakikitang naghihirap sila Mama at Daddy. Gusto ko ng mabigay sa mga kapatid ko yung mga gusto nila at hinihingi nila sakin. Ubusin ko muna sarili ko, Ali ha? Babawi ako sayo soon! Seryoso yan! Bigay ko muna lahat ng meron ako kay JD, sa friends ko, sa fam ko. Lahat ng kaya ko gagawin ko muna. For now, last na priority muna kita ha? Babawi ako sayo. At sana kung ano ka ngayon ay yan na yon. Ang mga oadt kalimutan na natin...ang hirap magmoveon pero sana ngayon, kung nasan ka, dapat pag titignan mo mga yon dapat tinatawanan mo na ha? Ngayon kasi hindi ko pa kaya. Kasi ang sakit parin eh...pero wag kang magalala Makakaya ko din 'to soon. Kakalimutan ko din 'to at magheheal ako fully. Mentally and Emotionally. Sana...please. Fan ka pa din ba ng Enhypen? Nagsusulat ka parin ba ng storiez and aus? Diyan ka sumasaya at nagiging peaceful ang mind mo kung nagsusulay o nagbabasa ka. Mahal na mahal ko ang Enhypen pero syempre wala paring tatalo sa Exo! HAHAHAHAHA anw continue supporting your lovedones huh? Pero this time, wag mo ng ubusin sarili mo. Magtira ka para sa sarili mo. Hope you had a lot of fun! Magdudusa muna tayo ngayon. Tapos in the future, sana, umayos na tayo. I love you, Ali. Kaya natin 'to at kakayanin! Pagpatuloy...puhon...magpadayon. ☺️🍃

Load more comments

Sign in to FutureMe

or use your email address

Don't know your password? Sign in with an email link instead.

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Create an account

or use your email address

You will receive a confirmation email

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Share this FutureMe letter

Copy the link to your clipboard:

Or share directly via social media:

Why is this inappropriate?