Press ← and → on your keyboard to move between
letters
Hi. Namiss ko na mag-diary kaya naisip ko na what if magsulat nalang ako dito (well not necessarily "magsulat" kasi nagtatype ako but anyway). Ayun nga, magsusulat ako dito everytime may hinanakit ako, something na masaya, malungkot or katulad ngayon na puno na naman nasa isip ko and gusto ko magshare. Tsaka ang cool din kasi isipin na may magbabasa neto, which is ako rin naman pero alam no yun improved version na ako (kung may nag-improved man), basta you know what I mean diba.
Anyway, gusto ko lang naman ishare kung ano nasa utak ko ngayon at pinoproblema. Di ko alam kung magwowork ba ko o mag-aaral. Alam ko deep inside gusto ko lang mag-aral muna. Kaso ang hirap kasi mag-concentrate pag gantong namomroblema kami sa pera. Tanginang covid kasi to. Nakikita ko kasi talaga na hirap na sila mama. Si papa wala namang trabaho. Yung tindahan di naman kumikita. Tapos diba napag-usapan namin na mag-iistop na kami kasi nga wala e. Pero ngayon nakahanap kasi ng paraan, nagloan sila mama. Kaya bukas mag-eenroll na kami. Gusto ko. Gustong gusto ko. Tangina ayoko pa umalis sa comfort zone ko. Di pa rin talaga ko ready magwork. Kaso ang hirap sa utak e. Yung konsensya na dapat magwork na ko kasi ako yung panganay e. Bente na ko tas ganto ako, takot pa rin sa tao. Tanginang ugali kasi 'to. Bat ako pinanganak na ganto. Gusto ko magwork kasi sawang sawa na ko ng walang pera. Gusto ko din naman makatulong kila mama. Gusto ko din mabigay mga gusto ng mga kapatid ko. Marenovate 'tong bahay namin. Tag-ulan ngayon tas puro tulo yung bubong. Gusto ko magkaroon ng sariling kwarto, hindi yung ganto na puro kabit ng kurtina. Di ako makapag-post ng maayos kasi ang panget ng background ko tanginang yan. Tas mabilhan ng magandang kama din sila mama at maayos na kwarto, hindi yung sa sahig sila natutulog. Ang panget panget ng bahay namin. Ang dungis tingnan sa loob. Mga gamit pa namin puro secondhand. Di pa bibili hangga't di sirang sira yung gamit. Gusto ko din bumili ng mga bagong damit, hindi puro bigay lang. Mga pang-alis wala akong matinong masuot. Sapatos din, kelan ba ko huling bumili. Ilan lang 'tong sapatos ko dito. Puro bigay pa. Mga pasira na nga din at kupas. Halatang laging gamit. Pano wala naman akong kapalitan na isusuot. Too many to mention pa. Pero in short tangina ang hirap maging mahirap. Alam ko ang daming reason bakit need ko na magwork. Kaso kasiii ang hirap din. Ang hirap pag ganto ugali. Introvert. Takot na takot ako lumabas sa comfort zone ko. Takot ako sa failures, sa disappointments. Di ko alam kung kakayanin ko yung stress sa work life. Dito pa nga lang as a student, medyo nakakasurvive pa ko, kasi confident pa ko sa kung pano ako magcope. Nood ng kdrama, running man, anime, magbasa ng manga, manhwa, novel, etc basta something na naeenjoy ko. Nakakalimutan ko na yung problema ko pag ganon. I mean kahit pano narerefresh utak ko after tas sabak ulet sa stress. Ganun lang ako nakakasurvive. Nasanay na ko syempre. Pero pag nagwork na ko, mag-uumpisa na naman ako. Alam ko ibang iba yung stress level sa work kumpara as a student. Jusq naiimagine ko palang sumabak sa real world, nanghihina na ko. Di ko alam kung effective ba yung ginagawa kong cope mechanism as a student sa work. For sure hindi. At walang time. Pero may time na naeexcite din naman ako. Kung iisipin ko na may hinahawakan na kong sariling pera. Ang dami kony gustong gawin. Like iniimagine ko mag-iipon ako, tas pag-aaralan ko mag-invest para lumago diba. Tas kahit paano may part din naman sa 'kin na naeexcite sa new surroundings, like nasa office ako may sariling cubicle ganern. Busy. Sanay na sa ginagawa. Ang matured tignan. Kung pwede lang kasi magskip sa buhay e. Hahahahahaha. Ayoko kasi yung process ng mag-aapply huhu. Like what I've said natatakot ako sa failures, disapointments. Di ko alam pano haharapin. May pagka-perfectionist pa naman ako. Gusto ko perfect ko na sa una palang. Kasi kung hindi, madodown talaga ako. Feeling ko ang bobo ko. Mababa na nga confidence ko, lalo pang bababa. Negative na.
Ayun lang for today. Skl. Sana 5 years after mas better na kong tao. Sana pag nabasa mo 'to, tatawanan mo nalang mga pinagsasabi ko. Alam ko medyo maigsi pa yung 5 years pero who knows? I'm always cheering for you. Naging better man o hindi, proud pa rin ako sa 'yo huh. Sa lahat, ako pinakanakakaalam kung pano mo tinatry yung best mo everyday. Kaya sana, if wala pa ring nagbago, gawin mo 'tong motivation. Pero knowing you, baka madepress ka pa e HAHAHAHAHA. Pero ayun, kayanin mo. Kasi madami ka pang babasahin na gantong nakakadepress na bagay. Love you!
30 July 2021, 9:25PM
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies, read how
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?