Press ← and → on your keyboard to move between
letters
Dear FutureMe,
Hello Future Ellaine! Kamusta kana? Ayos kana ba? Hindi kaba nahihirapan? Im so proud of you! Kasi nakaya mong maging matatatag. Ang daming challenges na dumaan sa atin pero na kaya natin. Lahat ng hirap at iyak. Ilan naba ang mga taong dumaan sa buhay mo ngayon? Okay paba yang puso mo? Masaya kana ba? I hope you are happy now. Wag kang magalala kasi okay nako ngayon. Kamusta mga kaibigan mo? Kamusta pagaaral mo? Galingan mo ha. Birthday mo ngayon! HAPPY BIRTHDAY!!! sana masaya ka ngayon. Sana wag ka ng magisip ng mga bagay na magpapahina sayo kasi malulungkot ako. Magpatuloy ka lang sa ginagawa mo. Kung napapagod ka magpahinga ka muna pero wag kang susuko ha? Kasi ilang beses ko ng sinubukan na sumuko pero naaalala kita. MAHAL NA MAHAL kaya kita hahaha. Kung minsan naiisip mona walang nagmamahal sayo isipin mo lang ako kasi habang buhay kitang mamahalin. Kung minsan tingin mo wala kang kwenta. Isipin mo lang ako. Isipin mo ako kasi marami na tayong pagsubok na dinaanan kaya proud ako sayo. Gusto ko lang sabihin na ang buhay ay hindi isang karera. Wag kang magmadali. Kung sa tingin mong napagiiwanan ka hayaan mo lang at palakpakan mo sila ng mga ngiti sa iyong labi. Dahil balang araw ikaw naman ang papalakpakan nila ng may ngiti sa labi. Okay nako dito.. Masaya akong makita ka na nagpapatuloy sa buhay. Kahit anong mangyari hayaan mo lang si God na magdesisyon sa buhay mo. Ipagdasal mo sakanya na samahan ka niya sa lahat ng hirap at sakit. Dahil makakaya mo dahil kasama mo siya. Kamusta na pala si tatay at nanay? Sila mary ann, edlen at andrei? Si chichi? Siguro masaya na kayo ngayon. Wag ka sanang magtatanim ng galit sa kapwa mo. Kahit ano pa ang kasalanan na gawin nila wag kang magtatanim ng puot sa puso mo. Hayaan mong si God ang magdesisyon sayo. Kasi anak ka niya. Maraming salamat sayo! Mahal na mahal kita. Kaya mo yan ellaine, ikaw pa! HAPPY BIRTHDAY ULIT!
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies, read how
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?