Press ← and → on your keyboard to move between
letters
Dear FutureMe,
Hello, musta ka po? Hulaan mo po kung anong edad ko noong sinulat ko ito! Wag mo pong sabihang sira yung sarili mo sa panahon na sinulat mo toh kasi gumagamit ako ng po. May mga napagpapunyagian ka na siguro at may kasipagan na rin. Sana ipagpatuloy mo po yang pagtitiwala sa sarili mo dahil kahit minsan wala kang pakealam sa sarili mo, malakas yang fighting spirit mo kahit mas madali ka pang masira sa nabasag mong plato sa mall noon. Nagtitipid ka naman siguro? Baka kasi hindi, puro gastos ka sa kung anong trip mo. Sa gusto ko pang habaan tong liham ko po sayo, di ko kaya lods. Kung maalala mo kung bakit ka sumulat ng ganito para sa sarili mo, ginawa mo yun para makarating ka jan sa kinatatayuan mo ngayon. Enjoy mo buhay mo at gamitin mo lahat ng natutunan mo. Wag ka pong sobrang dependent. Charot!!! Baka mamaya magtime travel ka at sakalin mo ako habang tinatype toh. Hindi ko alam kung anong pinili mong propesyon pero dapat po ginugusto mo yang ginagawa mo ngayon. Labyu lods, sana nakita mo na internet friends mo basta wag ka pa ring maniniwala sa internet love lods, mahirap magrank up don lalo na kung wala kang kaduo. FIGHTING!!!
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies, read how
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?