Press ← and → on your keyboard to move between
letters
Dear FutureMe,
Hello kamusta ka na after 5years? Sa panahong to magsesecond sem ka pa lang ng third year at alam natin na biglaan mo lang naisip na magsulat para sa sarili mo ngayon diba? Alam mo na nagooverthink ka na naman ng mga bagay at iniyakan mo pa π Sa panahon na nababasa mo to siguro, hindi sana, kasi alam ko gagawin mo lahat ng pinapangarap mo after makagraduate. Siguro nagawa mo naman na lahat ng binabalak mo para sa iyo at para na rin kila nanay at tatay. Natupad mo na ba? Nakapag-apply ka na ba sa gusto mong pagtrabahuhan? Siguro nakapasyal ka na rin sa ibat ibang bansa kasama syempre sila nanay at tatay kasi diba yun yung isa sa mga gusto mong maranasan nila after mo makagraduate at makapagtrabaho. Kamusta nga pala board exam? Alam ko pinagbutihan mo yon kaya nagkatrabaho ka na. Sinasabi ko to ngayon kasi di pa natin alam if ano talaga mangyayari after 5years kaya keclaim ko lang.
Sana kapag nagkatrabaho ka na wag mong kakalimutan yung mga pinapangarap mong gawin in the future, sa mga pangarap o gusto mong iparanas kila nanay at tatay kasi in the first place sila dumanas ng hirap at pagsasakrapisyo para makapag aral kayo ni Ika. Sana wag mo din kakalimutan yung mga pangarap mo sa naging parte ng buhay mo katulad nalang kay Lola Minyang wag mo syang kakalimutan kasi isa din sya sa naging parte ng buhay mo simula ng pagkabata, yung pangarap mo na dadalawin mo sya kasi ngayon di mo sya madalaw gusto mo kasi ikaw magisa ang dumalaw sa kanya, wag mo kakalimutan magpasalamat at magsorry sa kanya, bilan mo sya ng magagandang bulaklak para sa puntod nya (ayan naiiyak ka na naman ngayon). Kay Dede rin at sa iba pang nangangailangan wag mo kakalimutan, tulungan mo sila. At kung may gusto man akong ipakalimot sa iyo sana sa panahong binabasa mo to kinalimutan mo na sana lahat ng mga hinanakit mo sa nga taong nakalimot nung panahong naghirap tayo, sa mga taong nakagawa ng kahit kakaonting kasalanan o di pagtulong, sana makalimutan mo na yon, alam ko di man makakalimutan agad agad pero ala e sana isipin mo nalang isa sila sa mga lesson na kailangan mo rin ipasintabi.
Ngayon ay March 8, 2021, 11:28 pm na syempre puyat ka lang ng puyat sa panahong to sembreak e, sana kung ano man yung nararamdaman mo sa araw na ito di mo na ulit maramdaman yung pakiram*** mo na nagiisa, wala e nagooverthink ka na naman kaya ayon napaiyak ka pa, para kasing di ka pa ready sa future iniisip mo agad kung ano magyayari sayo pagtanda mo? Bakit ang bilis ng panahon?
Sana lahat nito wag mo ng isipin, sana sa pagbabasa mo nito nakafocus ka na sa trabaho mo, sa pangarap mo at para sa pamilya mo. Sana nakapagpagawa ka na ng sarili mong bahay, sa hacienda na pinapangarap mo sana matuloy pa rin alam ko pinagiipunan mo na yon ngayon. At yung rave o hydro na adik na adik ka panoorin ngayong panahong ito siguro naranasan mo na yon? Ano masaya ba? Nakatalon ka ba? Andon ba yung Silent Sanctuary o kaya naman kahit si Elly Buendia? Kung di mo pa namab to nagagawa at kung nakalimutan mo na, sana magawa mo din sya in the future kasi kailangan mo din minsan magsaya para sa sarili mo.
At sana sa panahong binabasa mo ito may kinakasama ka na, yung tingin mo nakakatulong sayo para maggrow as a person, yung tingin mo marami kang matutunan o matured man. Sana nakahanap ka na, siguro tinulungan ka ni God para magtagpo kayo. Saan mo kaya sya nakilala? Kasi ako as of now wala akong maimagine if saan. Pero okay lang if wala pa o di mo pa sya nakikita o nakikilala, hindi ka naman nagmamadali pero sana bigay din ni God in perfect time para sayo kasi sabi nga ni Daniel baka di natin namamalayan kakaenjoy natin sa buhay napagkakaiwanan na tayo.
Huwag ka rin makakalimot kay Lord, alam mong sya lang ang makakatulong sayo. Kung may breakdown ka man lapit ka lang ulit sa kanya katulad ng ginawa mo nung second year college ka, naalala mo pa naman siguro yon no? Isa din sa pinakamemorable na nangyari sa buhay mo at di mo pinagsisihan, naalala mo pa siguro kung gano kadaming luha ang binuhos mo non sa Baliuag na simbahan pero wala namang masama, ang swerte mo nga kasi sa dinami dami ng tao sa mundo napapakinggan pa nya yung hinihiling mo. Basta wag mo syang kakalimutan, lagi kang magdadasal lagi kang magpapasalamat at kung may problema ka man lapit ka lang ulit, sya lang naman kasi minsan masasabihan mo ng lahat.
Hay ang dami ko na napaalala sayo dahil dito sa future me, sana naman after 5 years gumagana pa ito π maraming maraming salamat sa 25/26 years old na Ludivina alam kong nakakaproud kung ano man naabot mo ngayong binabasa mo ito, wag sanang makakalimot na magpakumbaba. Alam ko kakayanin mo lahat lahat, marami ka ng pinadaanan bata ka pa lang, kaya wag kang susuko.
Di mo man naabot pangarap mo na maging doktor alam kong masaya ka naman kung ano binigay ni Lord para sayo at siguro ito pala talaga ang para sayo ginuide ka lang nya.
Salamat sa lahat at di ka sumusuko, galingan mo pa in the future. Magipon ka para sayo at para na rin sa future mo. Mahalin mo pa sana lalo yung mga nakapaligid sayo, wag mo kakalimutan magdasal para sayo at sa pamilya mo. Mahal kita at magiingat ka. See u after 5 years π
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies, read how
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?