A letter from February 22nd, 2021

Time Travelling — almost 5 years

Peaceful right?

Dear FutureMe, Hi, self! Kumusta ka? Okay ka pa ba? Kinakaya mo pa? Dapat kayanin mo para sa kinabukasan mo. Naiisipan mo man minsang sumuko, nagpapasalamat pa rin ako kasi heto ka ngayon, buhay na buhay at lumalaban pa sa pang araw-araw na buhay. Nakakamiss lang yung mga panahon na ang tanging dahilan lang ng pagiyak mo ay nadadapa o nasusugatan ka sa paglalaro mo. Ngayon kasi halos lahat na lang ng bagay, iniiyakan mo :- ( Acads, tambak na gawain, friends, at family.Yung acads na ilang beses mo nang iniiyakan kasi hindi mo alam kung paano sisimulan o tatapusin. Yung mga assignments na nagdadalawang isip ka kung tama ba yung ginawa mo o hindi. Yung pagccramming tuwing pasahan na kinabukasan at bahala na kung anong kalabasan basta maipasa mo on time. Nakakamiss din yung mga taong minsan nang naging parte ng buhay mo pero ngayon wala na silang pakialam sayo. Yung tipong di mo alam kung bakit lumayo yung loob nila sayo hehe. Ang hirap manghula e sana naman sinabi nila yung dahilan para hindi ko laging tanungin ang sarili ko kung ako ba yung mali o may mga pagkukulang ba ako. Pansin ko kasi lagi ka na lang iniiwan ng mga taong pinapahalagahan mo :’( Yung kapag may gala ikaw yung huling sasabihan kapag wala na silang ibang makasama hehe. Lahat nang yun kinaya mo diba? Nasasanay ka na diba? Kung yun nga kinakaya mo, yung ibang bagay pa kaya. Kayang kaya mo yan! Isa pa, gusto ko lang din sabihin sayo self na napakaswerte mo sa pamilya mo. Andiyan sila palagi para suportahan ka sa lahat ng mga gusto mo at makakapagpasaya sayo. Ang swerte mo kasi may masasandalan ka sa tuwing kelangan mo nang makakausap. Andyan sila para payuhan ka hindi lang bilang kapamilya kundi pati bilang kaibigan. Naalala mo pa ba self nung 18th Birthday celebration mo? Hindi mo maipaliwanag yung sayang nararamdaman mo. Nakakatawa nga kasi hindi pa man nagsisimula yung 18 candles e umiiyak ka na hahaha. Tinanong ka pa nila kung bakit ka umiiyak agad, sabi ko lang “masaya lang ako”. Masaya ako kasi kahit aapat lang yung pumunta na mga kaibigan ko at hindi naalala nung iba, nagawa nyo pa ring gawing memorable ang birthday ko. Nung mga oras na yun, dun ko narealized na hindi ko kaya nang wala kayo sa buhay ko. Hindi ko kakayanin kapag may napahamak isa man sainyo kaya hangga't kaya ko, poproktehan ko kayo. Kahit na tinalikura ka nang marami self, marami pa rin palang nananatili sa tabi mo : )) Ps: (nakakatawa kasi I found myself crying habang tinatype ko to hahaha). Ngayon ko lang napagtanto na ang bigat bigat na pala ng dinadala mo self. Pero kahit ganito man ang nangyare, thankful pa rin ako kasi kung hindi dahil sa mga naranasan kong struggles, hindi ako magiging strong ngayon. Hindi ako magiging bettet version ng sarili ko. Alam mo ba proud na proud ako sayo self. Alam ko kung bakit? Kasi nakasurvive ka ng 18 years dito sa mundo. Unti unti mo nang naaabot lahat ng mga pangarap mo. Konti na lang magcocollege ka na! Sana makapasa ka sa UP kasi dream school mo yun diba? Pagkatapos ng ilang taon makakapagtapos ka na! Magkakaroon ng maganda at marangal na trabaho, at bubuo ng sariling pamilya : )) Mabibigyan mo na rin nang marangyang pamumuhay ang mga magulang mo. Yung tipong pa travel travel na lang sila sa iba't ibang bansa. Diba ang sarap mangarap? Lahat nang yun makakamit mo basta kahit anong mangyare, hindi ka susuko okay? Ipangako mong lalampasan mo lahat ng mga pagsubok na haharapin mo. Na kung may isang libong dahilan para sumuko, hahanap pa rin tayo ng kahit isang dahilan para magpatuloy sa buhay. At higit sa lahat, andito lang ako palagi para sayo! Naniniwala na 10 years from now, isa ka nang ganap na CPA at successful business owner. Claim it! Walang imposible sa taong nagsisikap. Padayon, self! <3

Load more comments

Sign in to FutureMe

or use your email address

Don't know your password? Sign in with an email link instead.

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Create an account

or use your email address

You will receive a confirmation email

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Share this FutureMe letter

Copy the link to your clipboard:

Or share directly via social media:

Why is this inappropriate?