Press ← and → on your keyboard to move between
letters
Dear FutureMe,
Hi Irene☺️ Kamusta kana?
By this time na mababasa mo to sana naman may asawa kana o kaya anak 😂. Kung single ka pa din mygod be! Humanap kana kahit sapilitan HAHAHAHA. 2021 sinulat mo to para mabasa mo by 2026. Cliniclaim ko na ngayong binabasa mo to na sana masagana na yung buhay mo at may maganda na kayong pamumuhay ng pamilya mo.
Nakalaya na ba si ate malou? Kung oo napakalakas mo talaga kay lord dahil lagi mong hinihiling yun na maging buo kayong pamilya. Naway maganda nadin ang pamumuhay nila ate at mga anak niya. Pati sila ate ara at kuya paul tsaka ate tessa.
Sa mga oras nato nahanap mo na ba yung pinapangarap mong lalake? Sana oo at sana naman nakapili ka ng hindi ka sasaktan at aalagaan ka kahit anumang mangyari. Kung sakali mang meron kang nahanap ipabasa mo to sa kanya. Alam ko muka kalang malakas pero magaling ka magtago ng nararamdaman mo. Kaya ikaw na napili nitong future Irene isa lang mapapayo ko sayo. Kapag may sinabi siyang ayaw niya na gawin mo. Wag na wag na wag mong gagawin kase pag sinira mo tiwala niyan. Kahit anong gawin mo pag desidido na siya wala ka nang magagawa pa . Hinding hindi nagbabago yan ng desisyon si Irene. Pag ayaw ayaw niya talaga. Kaya ikaw na lalake ka umayos ka! Wag mong lolokohin tong babaeng to ! May pagkamaarte at tamad lang yan pero kilalang kilala ko yan wala yang gagawin na ikakasama ng loob mo not unless nauna ka.
Kamusta sila daddy at mama? Malakas pa din ba sila? Lagi mong tatandaan alagaan mo sila ha? Iwasan mo na yung pagsagot sagot matanda kana at lakihan mo sana pasensiya mo dahil alam ko maikli lang yun. Alagaan mo lagi sila mama at daddy dahil tumatanda na din sila.
Kung ano mang katayuan ng buhay mo ngayon sana naman masaya ka. Lagi mong tatandaan yung pangarap mo! Wag kang susuko hanggang hindi mo yun naaabot.
Ngayong sinusulat ko to feb 19 2021. Wala ka pang napapatunayan kaya sana sa mga oras na to meron na. At maayos na ang buhay mo pati sila mama at daddy.
Yun lang😂
Wag kang makakalimot sa diyos pag may mga biyaya siyang binibigay sayo🙏🙏🙏🙏 lagi kang manalig dahil may plano siyang maganda sayo mas maganda pa sa inaaakala mo. Wag kang maiinis maghintay dahil may tamang panahon para diyan.
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies, read how
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?