Press ← and → on your keyboard to move between
letters
Dear FutureMe,
Hindi ko alam kung pano ko 'to sisimulan, makailang bura na ko hahaha gusto ko lang sabihin sayo na napakaganda mo yieeeee... So ayun na nga, nagsulat ako sayo kasi gusto ko lang magdrama tsaka para may knows ka naman sa buhay mo this time being lol tama ba english ko? I'm 19, ikaw? Eto, malungkot ako. Nahihirapan. Napapagod na. I wake up 6:23 kanina, pero dati nung junior at senior high ako, 5 gising ko,nung senior high 6 na ata? Di ko matandaan haha. Yun nga medyo humaba naman tulog ko ng 30 mins. no? So ayun as usual punta agad ng tindahan, may klase ako ng 8:30-9:30, nag oonline class ako habang nagtitinda, tas second class ko 10:30 kahit papano that time tinulungan naman ako nila ebiel. Pero kahapon,nung sa ParCor (10:30-12:00 mahigit) tinulungan naman ako pero madalas ako pa rin nagtitinda, ang hirap kasi major subject pa naman yun. Tapos 2:00-3:30 exam namin sa cost accounting nakakainis kasi daming bumibili, di ko alam kung matatapos ko ba o tama pa ba pinagsasasagot ko. Computation pa naman ung halos half ng exam. Alam mo bang naka 3/10 lang ako nung quiz nung nakaraan? Pag ganung oras wala talaga kong katulong dito sa tindahan, nag-aaral ako habang nagtitinda amg hirap pa namam intindihin nung lessons. Ayaw kong mainggit pero nakakainggit lang talaga e, di naman ako naiingit na si ate, nakakagala kapag gusto niya, nakakabili ng mga gusto niya at needs niya alam mo yun nasakanya na lahat. Sa totoo lang ayaw kong tumitingin kay ate or isipin manlang ung pag kakaiba namin,na parang ako kawawang kawawa. Ayaw kong mainggit kadi bunso siya, at may bunso ako si benedict, syempre as ate gusto ko ganun din ung buhay ni benedict katulad nung kay ate. Pero naiingit ako sakanya in a way na may time siya to do things sa school. Di niya kailangan pumunta sa tindahan, may choice siya kung pupunta siya o hindi. Samantalang ako di manlang makapagfocus sa studies ko, nanganganib na ung mga grades ko. Tapos pag pupunta dito si ninang lagi pakong pinagalitan,ang hirap lang sobrang nakakaiyak. Ako pa gagawa ng lahat, walis sa tindahan, lagay ng softdrinks,ayos ng bote, gawa ng yelo tanggal tapos ako pa maglalagay. Maghuhugas ng mga baso at mangkok na ginamit nila sa tindahan tapos hugas ng pinggan sa bahay. Minsan ako pa nagtataob ng mga pinggan na hinugasan ko ng tanghali e pag uwi ko galing tindahan. Tapos may dadatnan kapang hugasin sa gabi kahit di naman kayo kumain. Nakakaiyak lang. Nakakapagod talaga. Ganto araw araw ung nararanasan ko minsan may dagdag pa nga e, pero kinakakaya ko para kila mama at sa mga kapatid ko, para sayo future self. Gusto ko komportable ka kung nasan ka man nakatira ngayon ha, gusto ko masaya ka, nakakapagod talaga magtrabaho pero kakayanin ha, ang mahalaga nakakatulong ka kila mama tsaka nasusuportahan mo sila financially. Gusto kong maggermany hahaha pede ba? Ayusin mo ung work mo tapos lipad kang germany ha, gusto ko doon tumira tapos si benedict ispoiled mo ha. Gusto ko nada magandang school siya. Wag mong papabayaan sila eman at enan ha? Sila ung naghirap na punan ung part mo habang nag aaral ka... Un lang mahal na mahal kita, may ichichika ko sayo pero baka sa susunod na araw nalang o kaya sa isang taon hahaha labyuuuuuuuu ingat lagi ha.
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies, read how
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?