Press ← and → on your keyboard to move between
letters
Dear FutureMe,
Grabe February 14, 2021 ngayon. Soon, mababasa mo to after 5 years at Valentine’s day mo rin ito mababasa. Happy Valentine’s kung wala mang babati sayo dahil alam ko marami ng nagbago sayo. Ano na palang balita sa gusto mong maging ? Nag business ka ba ? Doctor ? Archi ? O kaya naman iba ? Pero kahit ano man ang napili mo sure akong masaya ka don at alam mong yun talaga ang nararapat sayo. Ano ka na kaya ngayon ? Masaya ka ba ? Kasi dapat lang na masaya ka kahit marami ng nagbago sayo, tandaan mo na dapat sa puntong ito sarili mo ang prinaprioritize mo. Nakakalaro mo pa rin ba sina Louie, Dember, Brin at Rits ? Sana hanggang ngayon magkakaibigan pa rin kayo kase alam kong masaya ka habang kausap mo sila lagi tuwing gabi at gumagawa ng modules, naglilive pa rin ba kayo sa page ni louie ?e yung page mo ilang followers na 70 lang noon e HAHAHAHA naaalala ko noon kinakabahan ka dahil sa impromptu na ngayon nalagpasan mo na, Congrats pero ang hirap talaga non T—T. Sana din kaibigan at nakakasama mo pa yung mga bestfriends mo na sina Cristel, Hannah at Zairah dahil alam kong sila ang nagpapasaya sayo lagi at nakakasama mo kapag may problema. Natuloy ba yung picnic nyo ? E yung beach ? HAHAHHAHA. Anyways, siya pa rin ba yung gusto mo ? Masaya ka pa ba sakanya ? Kayo pa rin ba hanggang sa huli ? Dahil kung oo masaya ako sa desisyon mo dahil alam kong masaya ka kapag kasama mo siya at nakakausap mo siya. Mag 2 years na nga e at sana naging matatag kayo kase diba sabi mo sakanya at nagpromise ka sa kanya na kayo ang magsasama sa pagtanda kahit maraming hadlang dahil kung hindi ipapakulong ka nya. Sabi mo rin magpapatayo kayo ng farm at siya ang magaalaga. Sana pag nababasa mo to kayo pa upang magawa nyo ang mga bagay na yan. Masaya ka ba sa naging buhay mo ngayon ? Sana inaalagaan mo ang sarili mo at huwag mong kalimutang maraming tao ang nagmamahal sayo. E yung debut mo anong plinano mo dun ? Nagparty ka ba or travel with friends ? Yung plano mong tumira sa ibang bansa, plano mo pa rin ba ngayon ? Yung city lights, yung snow, yung magagandang bundok ng switzerland, masasarap na pagkain ng korea at japan, ang nakakainlove na beach ng maldives at syempre ang Hawaii. Mika, alam kong 20+ ka na pag mababasa mo to, hindi ka na yung sasageyo na naglalaro ng cod, mekamiks na naglalaro ng ml, mika na higschool at namromroblema sa impromptu, extempo at research nya at hindi na ikaw yung mika na teenager pero gusto kong tanungin kung sila pa ba ang inspiransyon mo ? Ang BTS pa rin ba ang iniistan mo, si V pa rin ba ang bias mo ? Dahil sa puntong to alam kong matanda na rin sila at sana naman buo pa rin sila sa mga panahong ito. May request ako na kapag nabasa mo to panoorin mo ulit ang Run BTS! at sana sa panahong ito nakapunta ka na sa concert nila. Dahil alam kong sila ang nakakapagpasaya sayo lagi kapag may problema o kahit wala. Ano pa ba ang balita ? Yun lang mahalin mo ang sarili mo lagi at huwag mo kalimutang mahal ka ng dating mika, i love you future self, maging masaya ka hanggat gusto mo! I purple you 💜
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies, read how
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?