Press ← and → on your keyboard to move between
letters
Dear Future Ella,
Today is February 14, 2021
Happy Valentine's Day mula sa batang ikaw. Sana habang binabasa mo'to eh masaya ka. Sana hindi ka lumuluha katulad ng ginagawa mo ngayon habang tina-type mo'to. Sana maayos na yung kalagayan mo at may maganda kang trabaho, sana habang binabasa mo'to eh yung pangarap mong trabaho yung trabaho mo ngayon. Kakayod ako para matupad yun. 5 years na din ang nagdaan simula nong tinype mo'to! 2026 nasa mga araw na'to sana may nagawa ka sa nakalipas na limang taon. Ano na kayang pinagkaka-abalahan mo? May boyfriend ka na kaya? Kung meron man alam kong mahal na mahal mo yan. Antagal mo din kasing hiniling yan eh. At kung wala mag focus ka goal mo. Sana hindi ka na impulsive katulad ng ngayon. Siguro naman matured ka na sa mga araw na 'to. Tandaan mo Lhang, na sobrang magiging proud ang batang ikaw kung nagawa or may nagawa ka na sa mga nasa isip mo ngayon. Sobrang dami mong iniisip ngayon kaya tiwala ako na may magagawa ka kahit lima sa mga yan. Bumawi ka sa parents mo ha ayon kasi yung pinaka-una sa listahan. Sana proud din sila sa mga achievements mo. Sana masaya at kumpleto kayong pamilya. Ingatan mo sarili mo, katulad ng pag-iingat ko ngayon. Sana gustong-gusto mo yung mga ginagawa mo sa mga araw na 'to. Nahihirapan ang batang ikaw pero laban lang dahil ginagawa ko'to para maging maayos ang ikaw ngayon. Sana worth it lahat ng paghihirap ko sana secured ka na ngayon. Kahit ano pa man ang mangyari Mahal na mahal kita. Sana kung ano ako ngayon sa panahon na'to ay sana nahigitan mo. Gawin mong sentro ang panginoon sa lahat ng plano mo. Sana nagku-kwento ka pa rin sa kanya, sana sa kanya ka pa din lumalapit. Mahal kita kahit ano pang ginagawa mo ngayon. Ilang months na lang din 25 ka na. Advance happy birthday future me. Sana na-improved mo na yung sarili mo. Sana lahat ng sana ko eh natupad muna sa mga araw na'to. :))) keep you feet on the ground. Lagi mong piliin maging masaya.
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies, read how
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?