Press ← and → on your keyboard to move between
letters
Dear FutureMe,
Today is February 13,2021
Hi self! How are you?Are you happy now?Are you happy with what you've got now? Do you still remember me? Ako ito, yung batang ikaw. Yung batang kahit maliliit na bagay lamang ay iniiyakan na. Yung batang palaging tumatawa at nakangiti sa harap ng iba. Yung batang palaging nabubully ng mga kaklase.
Sana masaya ka na ngayon, ilang taon na rin ang lumipas. 2026 na ngayon habang binabasa mo ito. 22 years old ka na ngayon, turning 17 ka pa lang nang sinusulat mo ito. Sana nakakamit mo na yung mga bagay na gusto mo na hindi mo makuha o matanggap man lang noon.
Naaalala mo pa ba kung paano mo ito isinulat? Nakaupo ka at nakaharap sa lamesang bilog. Nakita mo lang itong site na ito kay Mika Salamanca sa twitter at naging interesado ka kaya sinubukan mo rin. Pero hindi lang ikaw dahil sinend mo rin ito sa kapatid mong si Jj, sa kaibigan mong si Khazel, sa boybestfriend mong si Kolto at kay Jude.
Hayyy, sana habang binabasa mo ito ay mayroon ka ng magandang buhay. Nakapagpabrace ka na at sana mataba ka na HAHAHA. Sana nakapagtapos ka na ng pag-aaral mo. Sana natupad mo yung natapos mong kursong Architecture.
Sana yung taong nagmamahal sakin ngayon mula noong April 10,2019 ay siya mo paring kasama hanggang ngayon. Kung hindi man, sana yung kasama mo ngayon o makakasama mo ay isang taong kagaya ni Jude na mahahalin at ipaglalaban ka kahit kanino maging sa magulang man niya.
Mahal na mahal kita, self. Noon man hanggang ngayon. Ingatan mo palagi ang sarili mo lalo na ang puso mo. Huwag ka ng maging mahina. Sana marunong ka ng ipaglaban ang sarili mo. Tandaan mo na kung iwan ka man ng mga tao sa paligid mo, wag kang susuko. Walang sukuan, iiyak mo na lang lahat hanggang mabawasan man lang yung sakit na nararamdaman mo.
Iloveyou self! Sabay lang sa agos ng buhay! Mwaa!
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies, read how
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?