Press ← and → on your keyboard to move between
      letters
		
  
      Dear FutureMe,
Alam kong madami ka ng pagkakamali na nagawa, at minsan sinisisi kita sa pagkakamali na yun. Madalas ka kasing naliligaw, hindi alam kung san tutungo, mas madalas piliin ang makamundong bagay kaya panandalian kasiyahan lang nararanasan mo. Madalas ka padala sa tukso,kahit alam mo naman ang tama. Sana after 5 years na mabasa mo ulit ito. Hindi ka na naliligaw, masaya ka na at peaceful sa buhay mo. Simula ngayon kalimutan mo na yung mga pagkakamali na nagawa mo. May panibago ka na naman ngayon pagkakataon para sundin naman ang tama. Matuto ka na magtiis sa bagay na worth it naman na piliin dahil yun ang tama. Wag dun sa panandalian kasiyahan na kahit kailan di magiging tama. Piliin ang tamang proseso, wag na ulit magmamadali magmahal para di ka na magkamali. 
Pasensya na kung inayawan kita at nainis ako sayo, pasensya ka na kung pinagisipan kita na under valued ka, di importante, not worth it na piliin, di masaya kasama at pinagisipan pa kita na di marunong mag-alaga at magmahal. Pasensya ka na at naisip ko lahat ng yan. Tayo lang dalawa ang magmamahalan, tayo lang dalawa ang magkakaintindihan , tayo lang self ang may control sa lahat ng bagay. Kaya ngayon, babaguhin ko na yung mga maling nakasanayan, maling mind set. Para sayo na ito para di ka na maligaw pang muli. Para maging masaya na tayo. Lahat ng makakabuti sayo, gagawin ko. Di na ko susubok na gawin yung "mali pero masaya", dito na ko sa kung ano ang "tama pero mahirap at matagal na proseso ng paghihintay" kasi alam mo in the end na hindi ka nagkamali. Kahit gaano pa katagal abutin ang paghihintay mo, wala ka pagsisisihan dahil tama ang giniwa mo at tama ang pinili mo. 🙂
Tama na ang pagsisi, leave it sa past na at lumaban muli. Mahal kita at ipapanalangin kita sa araw-araw. Kasama natin si Lord. Basta self lahat ng gagawin mo lagi mo siyang isa alang-alang. Iba pakiram*** at isipin pag masaya kang sinusunod sya dito sa lupa at alam mong masaya din na sasalubong sya sayo pag tapos na ang purpose ng life mo. 😇 
Wag ka susuko. Mahal na mahal ka ng Diyos. 
    
    
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies, read how
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?