Press ← and → on your keyboard to move between
letters
Dear Future self,
This letter was written at 11:07pm in May 30, 2020. You probably won't remember that you wrote this letter but anyway, this is to remind you that you're still on your own time. No need to rush things and overthink about everything. I'm hoping na masaya ka ngayon.. sana. Pero sigurado naman ako na pinipili mo pa rin ang maging masaya. Hindi ako sigurado kung ano ang mga pinagdaanan mo, pero isa ang masasabi. Proud na proud ako sa'yo. Marami na ang nangyari at ayan ka ngayon, nananatiling lumaban sa mundong patuloy tayong hinahamon. Umaasa ako na maayos ang lahat, at kung sakali man.. Alam mong magiging okay din ang lahat ha? Magtiwala ka lang sa sarili mo, mahirap pero ito ang kailangan mo ngayon. Sana ay kung mabasa mo ito, sumulat ka pa ulit sa future self natin five years later ha. Sabay-sabay tayong lalaban. Ipinagdasal kita at sana ganoon ang gawin mo sa limang taon na ikaw na lumipas.
Maligayang dalawangpu't-limang kaarawan, aking mahal. Umaasa ako na sa pagkakataon na ito ay mahal na mahal mo na ang sarili mo. Higit pa sa mga bagay na nagbibigay sa'yo ng dahilan kung bakit mahirap. Gusto ko sanang sabihin na pakain ka naman hahahaha, pero ang libre mo na sana saakin ay isang ngiti. Hindi ko alam kung ano ang lagay mo ngayong araw pero kung sakali man sana nakangiti ka habang binabasa mo ito.
Aasahan ko ang ngiti mo, at patuloy mo pang pag ngiti.
Mahal kita.
- Ikaw nuong limang taong nakaraan.
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies, read how
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?