Press ← and → on your keyboard to move between
letters
Magandang Bati Sayo
Ngayon ay ika labing pito ng Agusto, 2019. Sanay nasa mabuti kang kalagayan.
Gusto ko lamang isalaysay ang iyong buhay ngayon, malamang ay ika’y bente cinco anyos ngayon. Habang ako’y diecinueve ngayong 2019. Second year BS Nursing. Sana’y nurse ka na ngayon, na sa gayon ay ipinagmalaki ka na ni mommy at papang, umukyat kaba sa entablado na may ipinagmamalaki? (bilang *** LAUDE? Ayon kay papang) sana man lang nurse kana ngayon. LOL mahal mo ba ang ginagawa mo? Hindi ba ako nagkamali sa ginagawa ko ngayon? Sayang naman ang isang taon kung pagaaral sa medesina kung hindi mo nagagamit jan.
Ikatatlong linggo ko na sa Ikalawang baiting ng koloheyo dito sa MSU-Marawi City. Ganon parin, tulad noong last sem, hindi parin seryoso ang klase kasi malapit na ang 58th foundation day ng MSU. Nasa iligan ako ngayon, dito sa upper luinab, para maginternet, mahina kasi doon sa marawi yung net kaya umuuwi ako tuwing biyernes. Sa nangyon, wala pa naman akong ginagawa sa klase, abala kasi ang mga guro ko sa lilipatan naming bagong gusali ng CHS. Kung alam mo lang, sigurado akong mapapagod ako sa pagbaba-taas galing dorm papunta sa klase, nasa labas ba naman ng kampus an gaming klase.
Nagkikita-kita parin ba kayo ng mga kaibigan mo ngayon? Sana oo, sana meron parin kayong family time, kasi palagi naming ginagawa yan ngayon, sana kompleto parin kayo ngayon, dapat nariyan parin si Lilu, Bugs, Anisa, Nikita, Jeroham, Katrina, Roxanne, Jongjong, Makins, Red, Teptep, at Jossie. At dahil sinabi ko yan ngayon, kita-kita naman kayo ngayon, habang binabasa mo ito. Sabihin mo, kailangan niyong mag family time. Pagplanohan niyo na, pwedeng sa golf course ang lugar. Tulad ngayon, sa golf course ginaganap ang family time, laro kayo ng ice breaker, ngalan-ngalan ta o di ba kaya, concentrationistherythm.
Sa pamilya naman, ayon, kyot parin si AZ, hindi parin siya nakakabigkas ng salita, tamang tuno lang ng kinakata, ay okay na. Si Noreen at Acoy naman nanunuod parin ng youtube (welcometoryanstoyreview!) si Xinxay, Kaihan at javed, nagaaral naman ng mabuti, tuloy parin ang research ni xinxay, robotics daw, kagagaling lang ni kaihan sa paaralan, nagensayo daw ng sabayang pagbigkas, si javed naman, nagaaral pero mas Roblox ang inaatupag, si kanzam naman, galing din sa paaralan para sa review niya. Si ate lila, ate tata, at kuya jun naman nasa Saudi para sa hajj, uuwi na nga sila sa makalawa, sabik na akong makuha yung pasalubong kung sapatos na puti, para pang duty hehehe, si aneeqa naman, nagaaral parin, siya ata yung pursigidong magaral sa kanilang magpipinsan, palaging matataas ang grado. Si Mommy ayon, nagluluto sa baba, tiyak masarap na ulam na naman yun, palagi naman diba? Si papang naman ang wala sa bahay ngayon, kasi namalengke sa mga kulang na putahe sa luto ni mommy. Umuuwi paminsan minsan sa Masiu, sana tapos na ang bahay natin sa masiu, sa marawi din, pagandahin mo haaaa
Ngayon ang masabi kung napakachill, wala pang malaking proble o masamang nangyari, ikaw jan? okay ka lang ba jan ngayon? Sana oo, wag kang magpakapagod ha? Bigyan mo ng oras ang sarili mo, may lablayp na ba? Yiiieeeuut.. hahaha
Patawad nga pala kung nahirapan ka kung ano ba talaga ang gusto mo sa buhay, yung pangmatagalan mong gusto, hindi ko pa kasi talaga alam kung nasa tuwid ako na landas. Kailangan ko pa ng gabay galing sa mga taong nakapalogid sa akin, hindi pa ako medyo independente. Sana independent ka na ngayon.
Sana gusto mo parin ang kalikasan, kung may medyo may per aka ngayon, donatedonate din pag may time, magtanim ka rin ng maraming puno’t halaman. Love mother earth parin dapat tayo.
Waly, kung ano man ang narating mo ngayon, sanay masaya ka, dapat mahal mo yang ginagawa mo, kasi kung gusto mo ang ginagawa mo, maganda ang kinalabasan niyan. Ngiti ka lang palagi, ang mga problema at bahala ay mawawala lang, lilipas lang yan. Masalamatan mo ang ﷲ (swts) sa lahat ng biyayang iyong nakuha, mapalaki man ito o mapaliit, sabihin mo sa mga taong nakapaligid sayo na mahal mo sila, hindi importante ang dami nila, kundi ang mga alaalang inyong pinagsaluhan. Pahalagahan mo ang mga alaalang, ****** ng kahapon at hindi ang bagau na mawawala lamang. Walang akong problema kung hindi mo nakuha ang ninanais kung malaking bahay na ‘minimalist’ o ang kutseng Lamborghini na aking pinapangarap. Basta ang mahalaga ay masaya ka kung asan ka man ngayon.
Kung may kaaway ka man ngayon, sanay magkabati na kayo hindi dahil mali siya o ikaw ang mali, kundi pinatawad niyo ang isa’t isa na walang puot at galit. Dahil ganyan ako mag-isip, sana ganyan ka parin hanggang ngayon, ang waly na walang pinapanigan kahit ang sarili. Tuwing may mali o away, sabi nga nila, tao tayo at nagkakamali lamang, alam kung paos na yang kasabihan ngunit hinding hindi mapapaos ang kabuluhan. Sana ikaw parin kung ano ako ngayon, kahit malayo na ang narrating mo, nasayo parin ang katangiang may malasakit sa kapwa, bukas kahit kanino, matiyaga, makakalikasan, at bukas ang mata sa kahit anong panig. At higit sa lahat, sikapin mong hanapin ang tunay na ikaw, ang waly, jaleah, waleah na hindi nagtatago sa anino ng iba kundi ikaw na may sariling paninindigan at tiwala sa sarili. Mahalin mo ang sarili mo hindi dahil nakuha mo ang gusto kundi dahil narating mo kung asan ka man ngayon. Sabi ko nga diba? DI KA PASISIIL! MAHAL KITA JAL! HAHAHAHA
nga pala, maligayang bati pala, happy birthday to me! 25 times kana nakarevolve around the sun! yeheyy!!!!
****** NG KAHAPON,
JALEAH
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies, read how
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?