A letter from June 13th, 2019

Time Travelled — over 7 years

Peaceful right?

Dear FutureMe, Happy 30th birthday! Sana masaya ka. Ngayon kasi habang ginagawa ko 'to sobrang lungkot ko. Feeling ko mag-isa ako, feeling ko walang nakakaintindi sa akin. Nasa point ako ngayon na hindi ko alam kung anong gagawin ko sa buhay ko, sino ba ako? Sobrang gulong gulo ako kaya sana ngayong 30 ka na at binabasa mo 'to galing sa 22 years old (soon to be 23)self mo sana masaya ka na, diba yun naman yung definition natin ng success? Yung maging masaya. Sana natupad mo lahat ng pangarap mo at gusto mong gawin. Sana hindi ka malungkot ngayon, sana hindi ka nag-iisa. Ngayon kasi failure ka pa, hindi pa proud sayo sila mama at papa kaya sana ngayong 30 ka na sana proud na sila sayo. Sana di ka nag-give up. Nag-susulat ka pa ba? Sana nag-susulat ka pa ng mga stories sa wattpad aba kahit hindi ganoon kagaling pagkakasulat mo doon sa mga stories mo, may laman yung mga yun ah. Sana patuloy ka pa ring nag-susulat. At sana published author ka na. Biro lang, alam ko naman na nagsusulat ka dahil gusto mo mag-sulat at masaya ka na kung may kaunting makaunting maka basa. Sana rin naka pag travel ka na or kahit sana nakapunta ka na ng korea. Pangarap mo rin yun eh, kaya sana nakapunta ka na. Sana hindi ka broken hearted ngayon. Ngayon kasi nag-momove on ka pa lang kay Sir bri, remember yung katrabaho mo sa hospital dati. Syempre natatandaan mo pa, hindi ka naman nakakalimot ng pangalan ng nagustuhan mong tao. Sana habang tumatanda ka at bago ka mag 30, nung mga nakaraang taon sana hindi ka na nahulog sa maling tao at lalo naman ngayong 30 ka na, siguro naman matanda ka na para malaman na hindi ka dapat nahuhulog sa isang tao na hindi ka naman sasaluhin. Pero sana ngayon mas gusto ko sana na may asawa ka na o mag-aasawa ka na, 30 ka na eh. May asawa ka na kaya? O may boyfriend ka na kaya? Sana kung may boyfriend ka ngayon sana sya yung first mo at last. Yun yung pangarap mo diba? Pero okay lang din naman kung hindi first, hindi naman doon yung basehan eh. Pero alam mo naman siguro yung worth mo, sana nahanap mo yung taong para sayo. Sana masaya ka ngayon, yun lang naman at paulit-ulit kong sasabihin sa letter na 'to kasi yun yung gusto mo naman dati pa kahit noong bata ka pa. Sana nakamit mo yung tamang plano sayo ni Lord. Patuloy kang ngumiti. Fighter ka Shirleen, kasi kahit down na down na ako ngayon habang ginagawa 'to hindi ako susuko. Iiyak ka lang pero wag kang susuko kung madapa ka man. Mahal ka ni Lord. At kung hindi ka man okay ngayong 30 ka na, laban lang. Darating rin ang blessings ni Lord para sayo. WAG KANG SUSUKO! :) -Shirleen,22 :)

Load more comments

Sign in to FutureMe

or use your email address

Don't know your password? Sign in with an email link instead.

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Create an account

or use your email address

You will receive a confirmation email

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Share this FutureMe letter

Copy the link to your clipboard:

Or share directly via social media:

Why is this inappropriate?