Press ← and → on your keyboard to move between
letters
Dear FutureMe,
Kamusta na? Nakarating ka ba sa korea? O sa canada? Alam ko nung sinend ko to ay wala pa akong trabaho sana nakahanap ka ng trabaho na nakapuno ng mga pangluho at fan girl goals mo. Patapos na ang contract ng BTS fan ka pa din ba? Sana hindi mo sila iniwan at hindi ka nag sawa sakanila. You still an ARMY? I’m so proud of you if you still do. Siguro may asawa na sila tapos na din ma enlist ang mamacho na siguro nila lalo. Ikaw ba josephine ay may asawa na? Naka pangasawa ka ba ng member ng BTS? napaka swerte mo kung gaanon alam kong mahirap ang sinuong mo mapangasawa lang ang isa sakanila. Kung hindi man ay sana matinong lalaki ang napunta sayo yung aalagaan ka, mahal ka at kaparehas mo ng gusto sa buhay. Sana hindi ka niya sinasaktan kung sakali man sinasaktan ka niya at nanghihingi ka ng sign kung bibitaw ka na eto ang sign na hinihingi mo BUMITAW ka na teh? Hindi yan ang buhay na pinangarap mo! Kaya mo yan. Kaya mong itaguyod ang sarili mo. Pumayat ka ba pala? Na achieve mo ba ang 60 kgs na pangarap mo? Naging medium ba ang size mo? Sana habang binabasa mo ito ay tumatanong ka dahil nasuot mo na ang ootd na gusto mo nung bata ka hahaha. Kung hindi man naiintindihan kong mas pinili mo parin mahalin ang pagkain hahhaa. Kamusta ang mga pinsan mo naging successful din ba sila gaya mo? Ang mga kaibigan mo nakapangasawa at masaya din ba sila katulad mo? Sana magkakasama parin kami at mga inaanak sana natin ang anak ng isat isa. Magkakasundo din sana ang ating mga asawa pati narin ang ating mga anak. Sana hindi karin nag kasakit ng malubha sa mga nagdaan na taon. Healthy living ka parin sana kahit matanda ka na palagi mong aalagaan ang sarili mo dahil hindi ka na pabata. Ang sakit ay sasalubungin ka sana hindi mo pabayaan ang sarili mo. Naging RPh ka ba? Tumuloy ka padin ba kahit pang apat na? Pang lima? Pang anim? Hindi moba sinukuan kung ganon ako ay proud sayo . Kung hindi man sana nagkalakas ka ng loob mag tuloy ng pinapangarap ko talaga na Veterinary Med. baka doctora ka na ng mga hayop? Kung tinuloy mo to sobrang proud ako at nag kalakas ka ng loob. Kung hindi man okay lang yan sguro tinanggap mo nalang ang katotohanan at ang panahon na may mga bagay na mahirap ng pangarapin pero sguro naman masaya ka na sa tinahak mo ngayon. Sana ay wag mong pag sisihan lahat ng ginawa mo sa buhay mo 30 ka palang marami ka pang gagawin sana may mga di ka man matupad ay wag mo sukuan ang buhay alam kong malakas ka. Yung kapatid ko ba nagdoctor? O nangibang bansa? Sana sinama niya ako abroad hahahahaha. Nagalit ba si mama nung hindi siya nagdoctor? Panigurado un pero feel ko wala naman sya magagawa. Masaya ba sina inay at itay sa retirement nila? Naging proud ba sila sa mga pinag gagawa niyong magkapatid. Nabigyan mo na ba sya ng apo na matagal nilang pinapangarap ahhaahahah.
Sa panahong ng 2026, kung ano man ginagawa mo habang binabasa mo to sana piliin mo maging masaya at positibo sa lahat ng nangyayari sayo. Mahirap man ang buhay marami ka man pagsubok na kakaharapin lahibg mong iisipin na kakayanin mo. Nakarating ka sa 2026 paano pa kaya sa mga susunod na taon diba? Wag kang panghinaan ng loob mahirap ang buhay pero mas malakas ka at palagi mong isama si LORD sa buhay mo wag mo kakalimutan mag dasal, mag simba at kausapin siya tuwing may problema ka dahil siya ang tutulong sayo sa hirap at saya kasama mo siya kaya wag mo sanang kakalimutan si Lord palagi. Kung sakali man nawala ka sa piling ni Lord ngayong 2026 sana mag balik loob ka na sakanya eto na ang sign na hinihingi mo kinakausap kita mula sa tao ng 2018 na self mo na bumalik ka sa Panginoon at hinding hindi mo ito pag sisihan.
PROUD AKO SA LAHAT NG GINAWA MO SA NAGDAAN NA TAON. PAG PATULOY MO LANG YAN. ALAM KONG NAHIRAPAN KA PERO KAYA MO YAN ALAM KONG KAYA MO YAN IKAW PA BA JOSEPHINE MARIE D. GAN HINDI SUMUSUKO SA LABAN
Ps: inalaagan mo ba yung mga album ng Bts, Lee min ho, bigbang ko diyan? Alagaan mo yan maraming pera tayong inubos dyan charot hahahahaha collections natin yan. Yan ang tumulong sayo nung panahong malungkot ka lalo na bts kung may comeback sila ngayon sana hindi ka huminto bumili. Sana nakaaattend ka sa mga concerts nila. Sana masaya kang nanunood ng comeback nila di ka sana nagpadala sa mga sumisira sa BTS. Patapos na contract nila. Tinuloy ba nila? Sana oo. Sana supportahan mo sila hanggang dulo. Tandaan mo sila ang tumulong sayo nung lugmok sa mula sa pagkabagsak hahaha namiss mo ba ang 2!3, spring day, magic shop at lahat ng albums nila. Madami padin ba silang nabreak na record? Nagka grammy ba sila? Nag top1 sa bb100? Nasa books na ba ng history ng korea? Nakaka proud siguro natutuwa ako tiyak.
PROUD ARMY AT 30!!!!!!!
Love yourself, Love myself . THANK YOU BTS FOR BEING MY LIGHT WHEN I’M ON MY DARKEST DAY now that I overcome the darkness I will still be here with you guys through hards day and good day. I PURPLE YOU. 보라해. 사랑해요 방탄소년단 ~~|
From Josephine Marie D. Gan
(Oct.18.2018) 22 yrs old self be strong 💪🏻
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies, read how
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?