Time Travelled — almost 3 years

A letter from February 23rd, 2016

Feb 23, 2016 Feb 23, 2019

Peaceful right?

Dear FutureMe, Ano nga ba ang dahilan bakit ako nagsulat sa'yo 3 years ago? I know this is some cliche but I just want to reminisce. Kung alam ko lang sana ang email mo edi sana nasulatan kita, kahit pa alam kong medyo mahirap para sa'kin kasi nga, 3 years mo pa bago malalaman. Kahit pa wala akong idea kung mababasa mo ba ito o babalewalain na lang kagaya ng kawalan mo ng pake sa nararamdaman ko. Alam kong hanggang sa huling talata ng aking liham ay patungkol lamang sa'yo kaya sana 'wag akong pagtatawanan ng future self ko kuno. It started from a dance. Hindi ko lubos maisip na sa dinami-rami ng pwede kong kapartner ay ikaw pa. Alam mo namang badtrip tayo sa isa't-isa kaya siguro sisisihin ko na lang ang height natin. Kung hindi dahil don... edi sana magkaibigan pa rin tayo hanggang ngayon. Pero alam mo naman na ang pagkabadtrip natin sa isa't-isa'y biro lang naman di'ba? Aminin mo man o hindi, alam kong close tayo non. Pero nang dahil nga sa chemistry daw natin, e ayun. Iniwasan mo ako. Sakit di'ba? Hahaha. Nung una wala lang sakin kasi wala naman akong pake sa'yo. Nung una wala lang sa'kin kasi magkaibigan tayo. Pero hindi ko namalayan na habang tumatagal ang pagkabit ng pangalan ko sa'yo, ganun na rin pala ang nangyayari sa puso ko. Habang nagsasayaw tayo'y ramdam ko na ang awkwardness. Sino ba naman kasi ang di maa-awkward kung lahat ng kaklase mo tinutukso kayo? Pati ang teacher nati'y nakisama rin. Heto naman ako, pa-oo na lang. Sige, ayos lang sa asaran, hindi naman ako pikon. Ganun ka rin. Hinahayaan mo lang ang pang-aasar everytime na magkaka-encounter tayong dalawa. Pero di ko talaga alam ang dahilan kung bakit umiwas ka? Tanggap mo naman ang pang-aasar di'ba? Simula noon, sa chat ka magaling. Puro ganito ganyan. Makulit ka. Nakukulitan talaga ako sa'yo sa simula pa lang kasi puro ka tanong. Pumapasok ka naman. Nakikinig ka rin naman. Naiinis din ako sa sarili ko kasi kahit ilang tanong mo pa sa akin ay sinasagot ko. Ang weird natin no? Parang hindi tayo magkakilala sa personal pero pagdating sa chat, endless ang usapan. Doon ko na nga siguro naramdaman 'to. Doon na nga siguro ako nahulog. Hanggang sa magtapos ang school year ay wala pa ring pagbabago. Makulit ka sa chat pero hindi pa rin tayo masyadong nagpapansinan sa personal. Tiniis ko yun kung alam mo lang. Haha. Ngayong pasukan naman ay masaya ako kasi di kita kaklase. Mahirap na kasi. Baka hindi ko na talaga kayanin at sumabog ako. Pero noong una kitang nakita noong pasukan, gusto talaga kitang yakapin. Hindi nga lang pwede. Haha. Na-miss kita. May mga pagkakataon pa rin na nagkakasalubong tayo pero deadma talaga. Hanep no? Saludo na 'ko sa'ting dalawa. Hindi ka pa rin tumigil sa pagcha-chat at pagtatanong ng kung anu-ano. Hanggang ngayon. At alam mo bang natutuwa ako? Hindi man halata pero kasi, ikaw lang gusto kong makausap. Hindi pa rin natin maiwasan na minsan, inaasar pa rin tayo. Hindi ko na nga alam kung ano pa bang ire-react ko sa mga biro nila kasi totoo na para sa'kin. May gusto na talaga ako sa'yo. Sa taong manhid. Makulit. Malakas ang sense of humor. Lagi akong napapatawa. At snobber. Gusto nga talaga kita. At hindi ko na kinaya kaya umamin na ako sa'yo. Kaso, sa chat nga lang din. Alam kong hindi ka maniniwala. Alam kong sasabihan mo akong na-hack ang fb ko. Alam ko 'yun. Siguro nga, hindi mo talaga aakalain na ako, na inaasar sa'yo, nahulog na talaga. May balak ka bang sumalo? O hahayaan mo lang ako? Kasi kung alin man dyan sa dalawa, sasabihin ko sa'yong masaya pa rin ako. Masaya akong may gusto sa'yo. Hindi ko rin makalimutan kapag nagkakasalubong ang mga mata natin, tapos nag-iiwasan lang din. Yung wala nating imikan kapag nasa harap ng barkada. Ewan ko rin. Nasanay na ako sa treatment mo. Nasanay na ako sa'yo. Ang masakit lang kasi, ngayon ko lang nararamdaman 'to. Ngayon ko lang nare-realize ang mga bagay-bagay kung kailan alam kong wala nang pag-asa. May balak nga akong paabutin ng 5 years ang halos 2 years kong pagkakagusto sa'yo. Alam kong magso-sorry ka sa'kin in case na malaman mo lahat ng ito, pero hindi ako galit sa'yo. Napasaya mo ako bakit ko susuklian ng galit, di'ba? Nagpapasalamat ako kasi nakilala kita. Nagpapasalamat ako kasi kahit di ka aware, napapagaan mo ang loob ko. Na kahit sa simpleng "Oys" mo, kahit badtrip ako, mawawala at mawawala talaga. Hindi ko lang talaga alam kung bakit nasasaktan na ako ngayon. Naghahalo na yung idea na "gusto kitang makita" sa "ayoko pala." Nasasaktan na ako sa pagiging snob mo sa'kin. Nasasaktan na ako sa treatment mo sa'kin kasi ramdam na ramdam ko na I'm only taken for granted. Alam kong ide-deny mo to. Pero yun kasi yung nararamdaman ko. Na kinakausap mo lang ako pag may kailangan ka. O di kaya curious sa isang bagay. O di kaya pag bored ka. Ngayon ko lang na-realize. Akala ko kasi noong una, gusto mo rin ako. Pero kasi habang tumatagal, lumalapit ka lang talaga pag may kailangan. Nakakahiya mang aminin sa'yo pero kahit anong ginagawa mo sa'kin, tinatanggap ko lang. Hindi ko rin alam e. May isip naman ako pero pagdating sa nararamdaman ko sa'yo nabo-bobo ako. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kapag nabasa ko to 3 years from now, maluluha, matatawa ako o ano. Kasi siguro by that time, wala ka pa ring pake sa'kin? Haha. O kinalimutan mo na ako? Ewan. Basta I'm taking the risk and tinatanggap ko kung ano mang consequence ang mangyari. Sana lagi mong tatandaan na gusto kita. Magbago man yun siguro pa-level up. Ikaw lang talaga nakapagparanas sa'kin nito. All this time ikaw lang pala ang hinahanap ko. Hahaha. Sana, huwag kang magbago. Patuloy mo lang pasiyahin kung sino man ang may worth nun, alam ko namang lahat tayo mayroon. Sana, lagi kitang makitang masaya kasi deserve mo yun. Kung magkaroon ka man ng girlfriend, sana ako. Para deretso kasal na. Di na kita pakakawalan. Hahahha. Pero sige, kung magkakaroon ka man ng girlfriend, alam mong masakit para sa'kin. Ayoko talagang ituloy pero sige, kung magkakaroon ka man ng girlfriend, gusto ko lang sabihin sa kanya na ang swerte swerte swerte niya at nakilala ka niya. Ang swerte niya sa'yo. Ikaw yung pinapangarap ko (nux) na isama sa future ko, pero kung hindi man, sisimulan ko nang tanggapin kahit masakit. Oo masakit talaga para sa'kin. Di ko nga alam kung kakayanin ko pa e hahahha. Pero kung maka-survive man ang feelings ko the next time mabasa ko 'to ay siya, I am a living legend! Hahaha. So long. I like you, still. Nicole

Load more comments

Sign in to FutureMe

or use your email address

Don't know your password? Sign in with an email link instead.

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Create an account

or use your email address

You will receive a confirmation email

By signing in to FutureMe you agree to the Terms of use.

Share this FutureMe letter

Copy the link to your clipboard:

Or share directly via social media:

Why is this inappropriate?