Hi self, kumusta? so ngayon is bakasyon nyo na, congratsie sayo self natapos mo ang 1st sem.
Pero alam mo habang sinusulat ko tong letter na'to natatakot ako, nag o-overthink, iniisip ko what if may negative na mangyare what if.. alam mo na pero syempre ayaw nating mangyare yun diba, kaya kakayanin ko self, kakayanin ko tong 1st sem para sa atin. Hindi ko man alam kung anong magyayare pero syempre HOPE FOR THE BEST tayo, syempre kakayanin natin 'to. kaya ngayon alam ko na nakaya mo.
kakayanin.
pero self natatakot parin ako, kasi instructor na natin self si ma'am Gumba. huhu. Lunes na lunes self sya agad yung haharapin namin sa Aug 5. Nag o-overthink ako self, pano kung di ko kaya, pano kung di ako maka sagot palagi sa kanya, pano kung may pa reportings sya. for sure meron at pano nalang yung mga recitations nya na one on one. I DONT CLAIM THIS NEGATIVE ENERGY π
mahirap self, nakakatakot sya, pero Wala namang magagawa kasi kaylangan kung magpatuloy.
At self nabago narin ngayon yung instructor sa Math, sa statistics, inistalk na namin sya at self para syang mala ma'am marga.
Pano nalang ako self kapag nag pa alphabetical arrangement sya huhu, saan ako kokopya saan ako kikuha ng ideya. math pa naman yun.
umaasa talaga ako na mali 'tong first impression namin sa kanya, na sana mali talaga. Sana mabait sya self , sana sana sana talaga.
Self, bagong academic journey ang haharapin ko. subrang daming what if's at doubt pero sabi ko nga wala akong magagawa kasi kaylangan kung magpatuloy.
Diba self, kaylangan Kong magpatuloy para pag na received mo tong letter masaya kang tutungtung sa 2nd sem ng 3rd year.
π
Mahirap self, nakakatakot, nakakakaba, pero kakayanin kasi wala namang choice kundi magpatuloy at kayanin.
Pray lang tayo self okay.
Kaya ko 'to
Kakayanin natin 'to.
Good luck self, wishing you a positive outcome.
on the other side of me right now, gusto kung sabihin sayo self na
congrats kasi nakaya mo Ang 1st sem ng 3rd year kahit mahirap, kahit nakakatakot, nakakakaba kinaya mo at patuloy mong kakayanin yan. Alam ko ngayon natatakot kana kasi sa 2nd sem may econometrics na. alam mo self same kasi ngayon palang natatakot na rin ako jan. Pero kakayanin ulit natin yan self. may awa si LORD. tutulungan nya tayo.
Basta ngayon enjoy muna okay. Enjoy the Christmas. enjoy ka kasi alam ko na miss mo na naman yang bahay nyo.
Yung mga babies ko si Cali, si puti, si mus-ing, si taba, si buta. kumusta silaaa.
so happy. nakaya mo self nakaya mo. Oo nakaya mo. hello to 2nd semester kana.
Let's hope for the best.
pray lang tayo palagi.
Andyan si lord para pakinggan tayo
Para tulungan tayo.
in Jesus name
Amen.
Note; Dec. 20 ko sana iseset ang date kaso naisip ko baka wala pang grades sa SIAS nyan kaya Dec 30 nlng hehe. sana may grades na. at pasado kaming lahat.ππ€ππ€π
Epilogue
6 days laterSelf, update kita nakaya natin NAKAYA KO SELF. NAKAYA NATIN ππ
habang binabasa ko itong letter mo sa akin. Nakakaiyak. Parang kinakausap mo talaga ako. At self nakapasa tayo.
Nakapasa...
This user has written an update to this letter.To see what they wrote, please
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies, read how
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?