Dear boyfriend,
Isang taon na tayo ngayon (tiwala akong may "tayo" pa din sa araw na ito). Pero ang tanong, mahal mo na kaya ako? May nagbago na ba sa bato mong puso? Sana oo. Sana naman kahit papaano meron. Sana mahal mo na ako. Sana mas kapit na tayo. Sana mas masaya tayo.
Pero sa totoo lang, umaasa akong may magbabago. Kahit pa nga ngayon na parang nag-aantay na lang akong dumating ang araw na maninindigan ka sa pag-iisip mong ayaw mo na nga sa akin. Na ayaw mo nang ipagpatuloy pa ito. Dahil kung nung last week nga lang ay nagsabi ka na parang wag na lang kaya ang "tayo" dahil nga sa wala ka pa ding nararamdaman. Dahil nasasaktan lang ako at ayaw mo ng nakakasakit ng tao(not necessarily ako, pero ng tao, in general). Pinigilan lang kita noon. Sinabi ko lang din na subukan pa din natin, at wag agad mawalan ng pag-asa. Baka naman sakali may mabago pa. O ako na lang ang magbabago. Na magpapakawala ng feelings para hindi na masakit. Na hindi na lang mag-eexpect. Na magmamahal at magkakagusto dahil ako lang naman ito.
Tapos baka pala ako na lang pala ang umaasa. Kasi gusto na kita. Ginusto na kita. Nasanay na kasi ako sa presensya mo; kahit Sabado at Linggo lang naman na nagkikita tayo. Na naging isang araw sa isang linggo. Na pati palitan ng messages na dating araw-araw ay naging bilang na sa sampung daliri. Oo, nakakapanibago. Pero di ako magbabago. Andito pa din ako. Ang mahalaga naman ay may tayo.
Ang mahalaga naman ay masaya ka pa, masaya ako, at masaya tayo. Salita lang naman iyang "mahal," ang mas mahalaga naman ay kung paano tayo sa isa't isa. Siguro nga ngayon hindi ka nakokonsensya na di magparamdam sa akin. Siguro nga ngayon hindi ka nakokonsensya na nasasaktan ako at umiiyak. Pero ayos lang naman. Ngayon lang 'yan. Tiwala akong ngayon lang 'yan. Magbabago din. Malay mo, ngayon na isang taon na tayo, may nagbago na.
Basta, masaya ako kasi nakilala kita. Napakaswerte ko kaya sa'yo. Sa lahat ng lalaki sa buhay ko, ikaw ang less stress. Yes, nakakastress yung feelings ko, na di masuklian, pero ehr, ano naman. Masaya pa din akong kasama ka. Mabuti nga iyon e, kasi sa mga simpleng gawi mo na parang sweet, kinikilig at natutuwa ako. Ayun, parang bago pa din ang lahat. At hindi ako nauumay sa relasyon.
Feeling ko din kasi, mature relationship na ito. Masyado na kasi akong maunawain at kumakapit pa din kahit komplikado na ang sitwasyon. Dati kasi, pag sketchy na yung eksena, exit na ako. Ayoko na. Ngayon, hindi ganun. Kapit lang. Laban lang ang eksena. Bahala na. Basta magpapakita ako ng feelings. Basta magmamahal ako. Para kung anu't ano man, di ako manghihinayang sa pagkukulang ko o sa sana ginawa ko ito.
Basta boyfriend, wag mo lang akong bitawan agad ha. Masaya naman pag masaya lang tayo e. Normal lang din ang di pagkakaunawaan minsan. Basta kapit lang. Kapit lang tayo.
(Hindi ko na sigurado kung mahal kita. Pero masaya akong may "ikaw" sa buhay ko. Salamat sa pananatili).
Sign in to FutureMe
or use your email address
Create an account
or use your email address
FutureMe uses cookies.
Learn how we use cookies to improve your experience by reviewing our Terms of Service
Share this FutureMe letter
Copy the link to your clipboard:
Or share directly via social media:
Why is this inappropriate?